Anak daw ni Cesar kay Sandra Seifert, nalantad na…SIGAW NI SUNSHINE: WALA NA AKONG PAKI!

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 29, 2020

May pahayag na si Sunshine Cruz sa estado ng relasyon nila ni Cesar Montano ngayon at marahil, ito na rin ang statement niya sa mainit na balita ngayong may 5-year-old son ang aktor sa dating beauty queen na si Sandra Seifert.
Sa Instagram post ni Lolit Solis nagbigay ng statement si Sunshine. Nag-opinyon ang veteran columnist/talent manager na dapat daw ay hindi na nagsasalita pa ang dating mag-asawa tungkol sa mga issues sa kanila para matapos na ang gulo alang-alang sa kanilang mga anak.
“Nagtataka ako, Salve, bakit parang walang katapusan iyong 'gulo' between Cesar Montano and Sunshine Cruz. Hanggang ngayon na meron na silang mga bagong partner, para bang every now and then, meron pang intriga between them.
“Sana naman, matapos na, lalo pa at 3 babae ang anak ni Cesar kay Sunshine na parang hindi maganda tuwing merong lumalabas pang mga issues tungkol sa magulang nila.
“Puwede namang hindi na sila nagbibigay ng statement, o sumagot sa issue, basta tinanong, smile na lang para tapos na, huwag nang pag-usapan pa.
“Hindi matigil-tigil, para bang umaandar bawat araw, walang katapusan. Kani-kanya na sila, kaya hintuan na ang issue.
“Dapat wala na silang pakialam sa isa't isa. Dapat iyong communication nila, para sa mga anak na lang nila. No more hot words. Peace,” ang post ni 'Nay Lolit.
Sa comments section ay sumagot si Sunshine at aniya, hindi naman siya nagsasalita’t wala naman na siyang pakialam pa sa ex-husband.
“Good Morning Tita Lolit. I haven’t said a single word. My ex-husband is none of my business. Annulled na po kami. I’d rather focus sa mga anak ko at sa trabaho,” sagot ni Sunshine.
Matatandaang lumutang this week na si Cesar ang ama ng 5-year-old son ni Sandra nang mag-post ang beauty queen ng larawan ng anak niya kasama si Buboy.
Sa picture pa lang, you could easily guess na mag-ama sila dahil makikitang hinahalikan ng aktor ang bata habang nakayakap ito sa kanya.





Comments