ni Beth Gelena @Bulgary| August 23, 2024
Ayon kay Andrea Brillantes, ang pinakamahirap na eksena na kanyang ginawa sa High Street (HS) ay nang sampalin ang beteranang aktres na si Dimples Romana.
Pag-amin ng young actress, hirap daw talaga siyang gawin na sampalin si Dimples dahil naging ina niya ang aktres sa Kadenang Ginto (KG).
“Grabe, it’s my first time ever to ever sampal a veteran actress like Ate Dimples Romana, and wow, what an honor! Before, I was always the one getting slapped in Kadenang Ginto, at ngayon, nakabawi na din ako,” birong sabi ni Sky Love Cruz sa HS.
“CHAROT LANG ATE! I LOVE YOU SO SO MUCH,” pahabol ng aktres.
“Jokes aside, as an actor, this really is part of the job so we can fully give justice to our characters and provide satisfying scenes for our lovely viewers!! So ITO NA NGA!! The long-awaited war between Tori and Sky has begun,” dagdag pa ng young actress.
Na-amaze naman ang beteranang aktres sa ipinakitang husay ng ‘anak’. Pero inamin niyang medyo nasaktan siya sa sampal ni Andrea.
Aniya, “Wouldn’t want it any other way.
“My Marga (karakter ni Andrea sa Kadenang Ginto), all the Mondragon training did you sooo good and it bit me right in the... it was painful, and memorable, and sooo good all at the same time.”
Dagdag pa ng aktres, “And I wouldn’t want it any other way. Here’s to more for you and for us.”
Malapit nang magtapos ang nasabing teleserye kaya asahan na marami pang highlights na mapapanood sa HS.
Sa Instagram (IG) Story ni Carla Abellana, may mga posted photos siya na nagpapakita na naka-confine siya sa ospital. Ang dasal ni Carla, “Lord, please, heal me. I’ve been in so much pain and discomfort.”
Agad na nag-worry ang mga fans at supporters ng aktres nang mabasa ang post tungkol sa kanyang kalagayan.
Maraming fans ang nag-worry sa kalagayan ng aktres, at higit pa ang mga celebrities na kapwa niya katrabaho. Isa na si Bea Alonzo, ang kasama niya sa teleserye na napapanood ngayon sa Kapuso.
Ani Bea, “Yakap, pagaling ka!”
Bumuhos naman ang mga komento ng fans ni Carla na sinisisi si Sam (character ni Bea sa Widows' War).
Hindi man ako maka-relate sa mga komento ng fans, feeling ko ay inaapi ni Bea si Carla sa kanilang teleserye. Tuloy, napaisip ako, hindi kaya ito ang naging dahilan kaya nasabi ni Carla na nakakaramdam siya ng pain at discomfort lately?
Naaapektuhan kaya siya hanggang ngayon sa nangyari sa kanila ng ex-husband na si Tom Rodriguez?
Just asking.
Wait, napansin namin na isa sa mga commenters ni Carla ay si Batangas Vice-Governor Mark Leviste, na aniya, “God bless you.”
Wala lang, na-curious lang po ang inyong lingkod.
Comments