- BULGAR
American Factor sa Condition Race
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | August 31, 2022
Sasabak si American Factor sa Condition Race Merged (10) na aarangkada sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, ngayong araw.
Gagabayan ni jockey Pabs Cabalejo, napipisil na pang primera ng tipsters sa programa ng karera si American Factor kaya asahang magdomina ito sa takilya ng daily doubles, winner-take all at iba pang tayaan.
Ang ibang kalahok sa event na may distansiyang 1,200 meter race at suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon ay sina The Accountant, Stella Malone, Wish Afan A Star at Victorious Colt.
Ayon sa mga komento ng mga karerista sa social media na parang stakes race din ang labanan nila dahil mga de kalidad na kabayo ang maglalaban-laban. "Masarap manood kapag mahuhusay ang mga maglalaban o mga pang-stakes race 'yung mga kasali kasi karamihan sa kanila ayaw magpatalo kahit regular races," saad ni Manny Villanueva, veteran karerista.
Samantala, sa unang race pa lang tiyak na magandang laban na ang mapapanood ng mga karerista. Anim na mahuhusay din na kabayo ang magbabakbakan sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System, may distansiyang 1,200 meter race.
Magtatagisan ng bilis sina Created, Can You Giub, Ava's Tale, Matalang Talang, Quincy at Batang Madrid. Pitong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) na magsisimula ng 6:15 p.m. kaya masisiyahan na naman ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Can You Giub (2), Ava's Tale (3)
Race 2 - Believe Me (2), Kalanggaman Island (1), Sexy Love (3)
Race 3 - Viva Forever (7), Buwayang Bato (5), Bebang (3)
Race 4 - Dimakya Island (5), Adarna (6)
Race 5 - Bigmouthbernie (7), Diez Catorce (6), Smarty Jas (4)
Race 6 - American Factor (5), The Accountant (1)
Race 7 - Easy Landing/Bishop Blue (2/2A), Kahit Sino Ka Pa (1), Morning Girl (3)