Alyas Hero, dinaig ang Bumbay na nag-iikot at kumokolekta ng datung sa mga pulis, anong meron?!!
- BULGAR

- Oct 19, 2020
- 1 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | October 19, 2020
Aalisin daw ang 13th month pay kasi pandemic.
Huh, eh, di nabura ang Pasko?
◘◘◘
Imbes na madagdagan ang nagbubukas na negosyo, dumami pa ang nagsasarado.
Ito na ang pinakadahop na X’mas!
◘◘◘
Anim na buwan pa bago ikomersiyo ang COVID-19 vaccine.
Mababawasan ang bilang ng nagdarahop.
Madededbol sila dahil sa kunsume!
◘◘◘
Hikahos ang buhay dahil sa pandemic.
Kahit ang mga Bumbay ay dumaraing.
Ikot sila nang ikot, pero walang makolekta!
◘◘◘
Naiinggit ang mga Bumbay sa isang matangkad na ginoo na alyas Hero.
Umiikot si alyas Hero sa mga station commander sa Quezon City Police District (QCPD) at regular na kumokolekta ng datung.
Daig niya ang mga bumbay.
Aba, may ipinapatago bang pera si “Hero” sa mga opisyal ng pulis o may pautang na 5-6 siya sa mga parak?
◘◘◘
Ayon sa ating Boss-Tsip mula sa Station 10, tila nakatimbre na ang pangalan ni alyas Hero sa mga bossing at bagyo kung umasta ang mama ‘pag dumarating sa mga istasyon.
Sino si alyas Hero at ano ang taglay nitong agimat para makadiskarte sa mga pulis?
◘◘◘
Iisa ang malinaw: Kakarampot ang koleksiyon ng bumbay sa pabahon ng pandemya.
Pero si alyas Hero, paldo ang koleksiyon sa Kyusi sa panahon ng COVID-19.
Abangan!
◘◘◘
Suko na si P-Digong sa talamak na korupsiyon.
At least, inaamin niya!
◘◘◘
Hindi ba puwede itokhang ang mga korup?
Hindi puwede.
Mauubos ang tao sa paligid niya!





Comments