top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Alok na kasal ng bf, dapat tanggapin dahil ka-compatible

BULGAR
Jan 17, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero | Enero 17, 2023

Dear Maestro,


Ako ay dalagang ina, pero may boyfriend ako ngayon at kahit hindi siya ang ama ng aking anak ay itinuring niya itong parang tunay na anak. Masaya sila kapag magkasama at magkasundo naman sila.


Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung sakali bang pumayag ako sa alok niya na magpakasal at halimbawang kami ang nagkatuluyan, magiging maganda at masaya ba ang itatayo naming pamilya?


Ibig kong sabihin, Maestro, compatible at uunlad ba kami ng boyfriend ko kung sakaling kami na ang magkakatuluyan? Ang boyfriend ko ay isinilang noong May 25, 1991, habang December 17, 1996 naman ang birthday ko.



Umaasa,

Marjorie ng Santa Rita, Jaen, Nueva Ecija



Dear Marjorie,


Ang zodiac sign mong Sagittarius at Gemini naman ang boyfriend mo ayon sa Oriental Astrology ay nagsasabing, tugma at compatible kayo sa isa’t isa.


Sapagkat ang Sagittarius ay may elementong apoy, habang ang Gemini ay may elementong hangin, kung saan ang apoy at hangin ay sadyang compatible sa isa’t isa. Dagdag pa rito, sa pang-istatistikang basehan, maraming isinilang sa buwan ng Disyembre ang nakatuluyan silang mga isinilang sa buwan ng Mayo.


Sa aspetong Numerology, halos ganundin ang lumabas na resulta — ang birth date mong 17 o 8 (1+7=8), na isang super strong number ay okey ding isama sa weak number na 25 o 7 (2+5=7) ng boyfriend mo. Dahil sa numero niyang 7, tulad ng kasalukuyang nagaganap, mabait at mapagparaya siya. Kaya naman tulad ng nasabi na, walang problema sa boyfriend mo kung may anak ka man sa pagkadalaga dahil ang totoo nito, likas na mababait at maunawain ang mga isinilang sa petsang 7, 16 at 25 tulad ng boyfriend mo.


Kaya kung niyaya ka nang magpakasal ng kasalukuyan mong boyfriend at may matatag naman siyang trabaho at kaya ka naman niyang buhayin, gayundin ang anak mo sa pagkadalaga, walang dahilan upang tanggihan mo pa siya. Sapagkat kung sakaling kayo na ang magkakatuluyan, tiyak na ang maunlad, maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya, na ayon sa iyong Love Calendar ay nakatakdang mangyayari sa kasalukuyang taong 2023, sa buwan ng Setyembre at sa edad mong 27 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page