Alice Guo, inilipat na ng kulungan
- BULGAR
- 4 hours ago
- 1 min read
by Info @ News | December 6, 2025

Photo: BJMP-NCR
Nailipat na ng kulungan si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo nitong Biyernes ng gabi, Disyembre 5.
Mula sa Pasig City Jail Female Dormitory, dinala si Guo sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.
Hinatulang guilty ang dating alkalde kaugnay ng kasong qualified human trafficking at pinatawan ng habambuhay na pagkakakulong dahil sa pagkakadawit sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa Tarlac.




