top of page
WINNER - BINI, INIAAHON ANG ABS-CBN SA PAGKALUGI-IG _BINI_PH.jpg

Alfamart pinasok, suspek huli sa bubong

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 9 hours ago
  • 1 min read

ni Benjamin Chavez @News | August 20, 2026



Alfamart - Circulated


Pinasok ng dalawang suspek ang isang sangay ng Alfamart convenience store sa Magsaysay Boulevard, Brgy. Santiago, Baras, Rizal matapos sirain ang bahagi ng bubong at kisame nito.


Nadiskubre ang insidente alas-6:10 ng umaga matapos mahuli ng mga tauhan ng Baras Municipal Police Station (MPS) ang isa umanong suspek na nakita sa bubong ng establisimyento.


Kinilala ang naaresto bilang alyas Prince, 18, residente ng Brgy. Mabini, Baras, habang pinaghahanap ang kasama nitong si alyas John, 19. 


Sa pagsusuri sa CCTV footage, nakitang sa pamamagitan ng pagsira sa bubong at kisame nakapasok ang mga suspek sa tindahan.


Natagpuan naman sa loob ng establisimyento ang iniwang bag na naglalaman ng mga bagay na umano’y tinangkang kunin ng mga suspek. 


Kinumpirma ng store manager na buo ang vault at walang nawawalang pera, paninda o iba pang gamit.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page