Alfamart, hinoldap ng riding-in-tandem

ni Benjamin Chavez @News | September 18, 2026

Photo: File
Tinutugis ng pulisya ang dalawang suspek na nangholdap sa isang sangay ng Alfamart sa Narra St., Brgy. Calendola, San Pedro City, Laguna, madaling-araw ng Huwebes, Setyembre 17.
Ayon sa San Pedro City Police Station, pumasok sa tindahan ang isang suspek na armado umano ng baril at nagdeklara ng holdap habang ang kasama nito ay nagsilbing lookout, sakay ng motorsiklo.
Natangay ng mga suspek ang humigit-kumulang P9,253 cash, isang kahon ng dairy milk chocolates na nagkakahalaga ng P1,944, isang kahon ng RELX pods na nagkakahalaga ng P3,200, at isang cellphone.
Patuloy ang imbestigasyon, kabilang ang pagsusuri ng CCTV footage at pagsasagawa ng dragnet operation upang matukoy at maaresto ang mga suspek.





Comments