ALEXA, NABABAWASAN ANG MGA FOLLOWERS DAHIL SA HATERS
ni Maricon Nolasco @MarisPluk |August 24, 2023

Kamakailan ay nag-live sa kanyang Instagram ang aktres na si Alexa Ilacad at dito na nga niya ibinahagi ang kanyang saloobin tungkol sa mga ginagawa ng mga haters at bashers niya.
Sinisisi ni Alexa ang kanyang mga haters and bashers kung bakit bumababa ang bilang ng mga followers niya sa social media.
Ang siste raw, ang mga 'haters at bashers' kuno niya ay bumibili ng mga bot o fake accounts sa IG para i-mass report ang kanyang account.
Ang mga bot o fake accounts din daw ang dahilan kung bakit bigla na lang dumarami ang kanyang mga followers, pero dahil nga raw sa pagre-report ng mga ito sa kanyang IG ay bigla na lang ding mababawasan ang bilang ng mga followers niya.
Well, hindi naman sinang-ayunan ng mga netizens ang naturang paratang o akusasyon ni Alexa sa kanyang mga haters at bashers. Para kasi sa kanila, imposible na pag-aaksayahan ng panahon at gagastusan pa ng mga ito si Alexa kung galit nga sila sa aktres.
Sey pa ng iba, eh, feeling sikat na si Alexa at ka-level ni Kathryn Bernardo. Nagkaroon lang daw ito ng 5-minute fame, pero inilagay na agad sa ulo. Sumikat lang daw ang aktres dahil sa kanyang ka-love team na si KD Estrada.
Hirit naman ng ilang netizens, may talent at marunong umarte ang aktres pero nakakapagtaka kung bakit marami ang galit sa kanya. Siguro raw ay dahil sa negative vibes nito.
Napansin naman ng naturang commenter ang mga pictures ni Alexa na ipinost ng kanyang mga makeup artist at stylist sa IG na mababa talaga ang bilang ng likes at comments sa kanya kumpara sa mga kasabayan niyang artista.
Anyway, wish naman ng mas marami ay mabago pa ang medyo 'off' at 'nega' vibes and attitude ni Alexa na napuna na rin nila noong sumali ito sa Pinoy Big Brother, at para na rin mas maging malapit siya sa masa.
Feeling kasi ng mga concerned netizens na ito, ang malakas na personality at dating ng aktres ang dahilan kung bakit hindi siya masyadong nabibigyan ng mga malalaking proyekto.





Comments