ALDEN, UNANG KAPUSO NA MAKAKATRABAHO NI BEA
- BULGAR
- Aug 27, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | August 27, 2021

Si Alden Richards ang unang Kapuso star na makakasama at makakatrabaho ni Bea Alonzo at binanggit ito ng aktres sa kanyang IG Live nu'ng Miyerkules. May shoot daw sila ni Alden ng isang show this weekend, pero hindi binanggit kung ano.
“I’ll be doing something this weekend, shoot for a show kina Alden. Not sure of the airing,” balita ni Bea sa mga fans na nanood ng IG Live niya.
Dahil sa balitang may big star na papasok sa The World Between Us sa pagbabalik ng teleserye sa November 15, inakalang si Bea ang big star na ito na makakasama na sa cast nina Alden. Kaya lang, end of August pa ang resume ng locked-in taping ng teleserye, eh, this weekend ang binanggit ni Bea na shoot nila ni Alden.
Lalong hindi pa para sa pelikula nilang A Moment To Remember ang shoot na binanggit ni Bea dahil sa September 24 pa ang simula nila ng locked-in shooting at nabanggit ng aktres na dadaan pa sila sa quarantine at look test bago magsimula.
May naniniwalang para sa All-Out Sundays ang show na pagsasamahan nina Bea at Alden dahil nasabi ni Bea dati na magge-guest siya rito. Kung tama ang mga fans, abangan na lang sa Sunday kung lalabas nga sa AOS si Bea.
Nag-taping na rin si Bea para sa The Boobay and Tekla Show. Riot ito, tiyak, kaya abangan at abangan din siya sa iba pang shows ng GMA-7.








Comments