Alas Women giniba ang Uzbekistan sa AVC Cup
- BULGAR

- 3 hours ago
- 2 min read
by Gerard Arce @Sports News | June 7, 2026

Photo: AVC / AP
Mga laro ngayong Linggo (Candon City Arena)
9 am – Vietnam vs Hong Kong
12 nn – Chinese Taipei vs Kyrgyzstan
3 pm – Pilipinas vs Australia
6 pm – Kazakhstan vs Indonesia
9 pm – Uzbekistan vs South Korea
Tila naibalik ni 3-time collegiate at professional league MVP Alyssa Valdez ang orasan pabalik sa kanyang kabataan ng magsilbing bida sa unang panalo ng Alas Pilipinas women’s national team kontra sa bisitang Uzbekistan sa bisa ng 25-16, 25-12, 25-14, kahapon sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Cup sa Candon City Arena sa Ilocos Sur.
Kasunod ng malaking balasahan sa women’s national squad sa pag-atras ng orihinal na miyembro ng koponan umangat ang laro ng kapitana ng Cool Smashers para ilatag ang 14 puntos mula sa 11 atake, 2 blocks at isang service ace. “We’re just very happy that we got the win, but a lot of lapses that we have to correct for the next few games,” pahayag ng 32-anyos na outside hitter matapos ang laro.
Naging malaking bahagi rin ng 1-0 kartada ng Alas Pilipinas sa 12-team tournament ang suporta ng Philippine Sports Commission (PSC) at co-presented ng International Volleyball Federation (FIVB), AVC, Volleyball World, at ng City Government ng Candon, maging ang beteranong si Jovelyn Gonzaga at Frances Molina na bumuhos ng 12 at 11 puntos. Subalit lubos na kinakitaan ng impresibong laro ang ibinigay na enerhiya at 12 puntos ni 4-time UAAP Best Middle Blocker Nina Ytang ng UP Lady Maroons galing sa 8 atake at 4 blocks, Thea Gagate sa walo mula 7 kills at block.
Bumida para sa Uzbekistan si Malikakhon Tursunpulatova sa 10 points habang may 6 puntos si Absamatova Zebokhon at tig-5 sina Dilnoza Boymirzaeva at Mirzaeva Nigina na makakatapat ang South Korea ng 9 p.m.





Comments