Alas Men's Team lalarga na, abangan sa SEA V.League
- BULGAR

- Aug 16, 2024
- 2 min read
ni Clyde Mariano @Sports | August 16, 2024

Masusubukan ang Olympic credential ni bagong hirang na Italian coach Angiolino Frigoni sa pagbubukas ng host team sa kanyang title campaign sa Southeast Asia Men’s V. League tournament laban sa powerhouse Vietnam sa opening game ngayong Biyernes sa Ninoy Aquino Stadium.
Haharapin ng mga Pinoy ang mga Vietnamese ng 6 pm matapos ang 3 pm na sagupaan ng reigning champion Indonesia at Thailand sa tatlong araw na volleyball competition na sinuportahan ng Philippine Sports Commission.
Tiyak daraan ang mga Pinoy sa butas nang karayom sa mga Vietnamese sa una nllang pagharap ilang buwan matapos ang tournament na ginawa sa Sta. Rosa, Laguna.
Lamang si Frigoni, 70-anyos sa kanyang Vietnamese counterpart dahil malawak ang karanasan naging coach ng Italian women’s team sa 1992 Barcelona Olympics. Tutulungan si Frigoni nina Dante Alinsunurin, Matteo Antunucci, Odjie Mamon at trainer Dexter Clamor.
Si Frigoni ang pangalawang coach sa volleyball. Si Brazilian coach Edson Souza de Brito ang coach ng women’s team.
Pormal siyang itinalaga ni Philippine National Volleyball Federation (PNVF) president Ramon “Tats” Suzara, noong nakaraang buwan nang irekomenda ng International Volleyball Federation o FIVB.
Ang SEA V. League ay bahagi ng year-long build-up ng makasaysayang solo hosting ng FIVB Men’s Volleyball World Championship noong Setyembre 2023.
Ang national team ay binubuo nina ace hitter Bryan Bagunas, Marck Espejo, UAAP MVP Josh Ybañez, Vince Patrick Lorenzo, Jade Lex Disquitado, Kim Malabunga, Noel Kampton, Gabriel Casaña, Ave Joshua Retamar, Rwenzmel Taguibolos, Leo Ordiales, Jenngerard Diao, Lloyd Josafat, Louie Ramirez at Michaelo Buddin. MatapoS ang Vietnam, sasagupain ng Alas ang Indonesia ng 6 p.m. sa Sabado bago matapos ang laban kontra Thailand ng 6 p.m. Linggo. Ang second leg ngayong taon ay idaraos sa Indonesia at wala pang petsa at lugar na pagdarausan.








Comments