Alas girls babawian ang Venezuela para sa 13th-16th spot sa FIVB Worlds
- BULGAR

- 5 hours ago
- 2 min read
by Gerard Arce @Sports News | August 15, 2026

Photo: Alas Girls reresbak para sa 13th to 16th place ng FIVB World Volleyball U17. (worldvolleyballpix)
May pagkakataong makabawi ang Alas Pilipinas Girls laban sa Venezuela ngayong araw kasunod ng masaklap na five-setter na pagkabigo sa preliminary round, para pag-agawan ang 13th hanggang 16th place sa FIVB Volleyball Girls’ U17 World Championship na ginanap sa Parque Estadio Nacional sa Santiago, Chile.
Hindi pinalad ang Alas Girls na mahigitan ang puwersa ng Japan girls team na sinubok na makipagsabayan, ngunit sa bandang huli ay tuluyang yumuko sa pamamagitan ng 23-25, 19-25, 16-25 pagkatalo kahapon para sa ika-9th hanggang 12th posisyon sa torneo.
Sa kabilang banda, madali namang winalis ang Venezuela ng World No.12 Poland sa 8-25, 21-25, 16-25, upang maitalaga ang rematch na naganap sa San Felipe kontra Alas Pilipinas Girls. May pagkakataon ang Alas na lumaban sa playoff para sa 13th hanggang 15th spot sakaling manaig sa Venezuela kasunod ng 19-25, 16-25, 25-22, 25-19, 11-15, pagkabigo nitong Miyerkules, na lubos ang suportang nakuha mula sa Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee.
Minanduhan ni Team manager Karl Chan ang pagpapatakbo ng taktika ng Alas Girls, matapos hindi makapag-coach si head coach Edwin Leyva dulot ng sakit ng tiyan.
Sinubukang makasabay sa matinding laban ng Alas Girls sa simula pa lamang ng laro kontra sa Japan, ngunit sadyang malakas ang puwersa ng World No.2. “Focus is on rest and recovery, we put the loss behind us and it’s on to the next match,” wika ni Chan, na pansamantalang humalili kay Leyva.
Patuloy na bumida si St. John’s Institute Falcons outside hitter Caera Celis sa pagkana ng 16 points mula sa 12 attacks, three blocks at isang ace, habang wala ng ibang Alas player ang tumapos ng doble pigura na sinundan ni Xyz Rayco s apitong puntos mula lahat sa atake at Jhaynna Bulandres sa apat.
Bumida naman sa Japan si Miko Takahashi sa 15 points na sinegundahan ni Reina Nakagawa sa 10pts kabilang ang apat sa siyam na blocks ng koponan, habang umusad ang No. 16 Dominican Republic sa playoffs para sa ninth to 12th matapos talunin ang No. 22 Czechia, 23-25, 25-22, 25-23, 25-15.
Patuloy naman sa pananalasa ang World No. 12 USA sa pagpasok sa semifinals ng walisin ang World No.3 Italy sa 25-10, 25-15, 26-24, na nakatakdang makatapat ang world No. 1 at defending champion China, na natakasan naman ang No. 16 Croatia sa 25-23, 25-21, 20-25, 19-25, 15-7.





Comments