top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Alamin: Presyo ng bulaklak sa Dangwa bago mag-Undas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 26, 2021
  • 1 min read

ni Jasmin Joy Evangelista | October 26, 2021



In demand na ang mga bulaklak sa Dangwa Flower Market sa Maynila kasabay ng pagdami ng mga bumibisita sa mga sementeryo bago mag-Undas.


Nagsimula na ring tumaas ang presyo ng mga bulaklak.


Stargazer – P150 kada stem; dating P130


Anthurium- P700 kada bundle; dating P350


Angel's Breath - P250 kada bundle; dating P200

Pulang Rosas- P200 kada dosena


Puting Rosas - P150 kada dosena


Chrysanthemum- P300 kada dosena


Orchids- P600 kada bundle


Isa raw sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga bulaklak ay ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo kaya dagdag-gastos ito sa bayad sa delivery.


Sapat naman ang suplay ng bulaklak maliban sa rosas na nagkakaubusan na, ayon sa mga nagtitinda.


Posible rin umanong tumaas pa ang presyo ng bulaklak sa mga susunod na araw lalo’t inaasahang may mga hahabol pang dumalaw sa mga puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay hanggang sa Huwebes.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page