top of page
Search
  • BULGAR

Alamin: Mga Dos and Don'ts pagdating sa lagda

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | July 12, 2023



Dear Maestro,

Ako ay isa sa mga tagahanga n'yo at lagi akong nagbabasa ng inyong column. May collection na rin ako ng mga libro mo at waiting ako sa paglabas ng Book 5 mo upang makumpleto ko na ang aking collection.


Naisipan ko sumangguni sa inyo upang itanong kung ano ang katangian ng isang taong tulad ko na isinilang noong December 3, 1988.


Ako ay isang Sagittarius na may birth date na 3, sa destiny number na 5. Ask ko na rin kung ano ang dapat kong gawin upang umunlad at umasenso ang aking buhay?

Umaasa, Amed ng Santa Lucia, Samal, Bataan


Dear Amed,


Para umasenso ka, ang unang-una mong dapat gawin ay baguhin ang iyong magulo at medyo baboy na lagda na nilagyan mo pa ng maraming pa-utot at mga burloloy.


Para maayos mo ang iyong lagda, dapat isulat mo ng malaki at malinaw ang letrang “A" at “S” bilang pang-unang letra at ikalawang letra sa iyong lagda.


Simpleng "A" at “S” lang na walang burloloy o pautot ang dapat mong gawin, at idugtong mo na agad ang iyong kumpletong apelyido.


Sa ganyang simpleng lagda, pilitin mong magkaroon ng malinaw at bilog na buntot ang letrang "G”, sa gitnang bahagi ng iyong lagda, sapagkat ang bilog at malinaw na buntot ng letrang "G" ang siyang magsisilbing enerhiya at lakas ng loob upang ikaw ay magpatuloy sa lahat ng iyong mga hangarin at balakin sa buhay.

Pagkatapos mong isulat ng malinaw na malinaw ang letrang “A” at “S” tulad ng nasabi na, ngayon ay idugtong mo na ang iyong kumpletong apelyido.


At siyempre, 'wag na 'wag mo ng balikwasin papunta sa direksyong pakaliwa ang dulong bahagi ng letrang "A" upang hindi na muling maburara at mababoy ang iyong lagda.


Pagkatapos, ibukas mo ang panghuling letrang "A" sa halip na sarado, at tapusin ang iyong lagda sa isang matinding straight line o tuwid na guhit.

Sa ganyang lagda, tiyak ang magaganap, mapapawi ang lahat ng takot sa iyong sarili. At sa sandaling lumakas na ang iyong loob, dahil hindi mo na binaboy o binurara ang iyong lagda, gaganda at lilinaw na rin ang iyong kapalaran patungo sa isang maunlad at maligayang pamumuhay.

Pangalawa, dahil Sagittarius ang iyong zodiac sign sa birth date na 3, lagi kang magsuot ng kulay pula o mga kulay na hango sa pula, tulad ng pink, lila, purple, lavender at iba pang mga kulay na kauri nito. Sapagkat ang nasabing mga kulay ang magbibigay sa iyo ng dagdag pang suwerte at magandang kapalaran.

Kapag sawa ka na sa kulay na pula, puwede mo ring isuot ang kulay na sadyang laan sa destiny number mong 5, (12+3+1988=2003/ 20+03=23/ 2+3=5) ang powder blue, metallic blue, gray, silver at white.

Pangatlo, at ang pinakamahalaga sa lahat upang 'di ka magkaroon ng grabeng frustration sa larawan ng pag-ibig, piliin mo ang mga babaeng isinilang sa zodiac sign na Leo, Aries, Gemini at kapwa mo Sagittarius, higit lalo silang may birth date na 5, 6, 9, 14, 15, 18, 23, 24, at 27 - kapag ganyang uri ng babae ang makakatuluyan at mapapangasawa mo, tiyak ang magaganap makakaranas ka na ng isang maligaya at panghabambuhay na pag-aasawa.

Habang ayon sa Decadens ng Kapalaran kung susundin mong mabuti ang mga simpleng rekomendasyon na inilahad sa itaas, tiyak ang magaganap, mula sa buwan ng Hulyo hanggang Agosto at Oktubre hanggang Disyembre, sa edad mong 35 pataas isa-isa at kusa ng matutupad ang iyong mga pangarap, hanggang sa tuluy-tuloy ng lumigaya at umunlad ang iyong karanasan sa larangan ng career, pag-ibig at pagpapamilya habambuhay.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page