top of page
Search
  • BULGAR

Alamin: Mga babaeng dapat ligawan para lumigaya at magtagumpay sa buhay

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | December 5, 2023


Dear Maestro,


Matagal na akong sumusubaybay sa mga artikulo n’yo at madami na rin akong natutunan lalo na pagdating sa Numerology at Palmistry. Natuklasan ko rin na ako pala ay kabilang sa tinawag na “taong dos”. Ang birthday ko ay October 29, 1993. Tama ba ako, Maestro? Kasi ang 29 ay 2+9=11/ 1+1=2.


Bukod pa ru’n, madami rin akong nabasa sa mga artikulo n’yo tungkol sa “taong two”, kaya ako kumunsulta sa inyo dahil gusto ko kung paano kayo mag-analisa. Kaya gusto ko sanang itanong kung ano ba ang ipinapahiwatig ng numero kong two at paano ako susuwertehin, liligaya at magtatagumpay?


Wala pa akong girlfriend hanggang ngayon, kaya gusto ko ring malaman kung sinu-sino ang babaeng ka-compatible ko na dapat kong ligawan at mapangasawa upang ako ay magkaroon ng isang matagumpay at maligayang pamilya balang araw?

Umaasa,

Prince Manggahan, Rodriguez, Rizal

Dear Prince,


Ang zodiac sign mong Scorpio ay nagsasabing ka-compatible mo ang mga babaeng nagtataglay ng zodiac sign na Cancer, Pisces, Taurus at kapwa mo Scorpio, higit lalo silang may birth date na 7, 16, 25, 4, 13, 22, 31, 2, 11, 20, at 29, gayundin silang nagtataglay ng strong number na 8, 17, 26, 1, 10, 19 at 28. Sila ang mga babaeng dapat mong ligawan at mapangasawa upang magkaroon ka ng isang maligaya at matagumpay na pamilya upang buong lakas mo namang mahigop ang magagandang kapalaran, sa kabila ng katotohanang “weak number” o mahina ang numero mong 2, dapat ka ring makisama sa mga taong nagtataglay ng strong number, tulad ng nabanggit sa itaas, sila ang mga taong may birth date o kaya’y may destiny number na 8, 17, 26, 9, 18, 27, 1, 10, 19 at 28.


Ang mga taong nabanggit ang makakatulong sa iyo sa lahat ng aspeto ng buhay, lalo na kung lagi kang didikit at makikisama sa kanila. Habang ang mga taong may bitbit na numerong 7, 16, 25, 2, 11, 20, at 29 ay mga natural o kusa na magiging kaibigan mo, magiging mahalagang bahagi ng iyong buhay at magiging shoulder to lean on mo. Kung saan, sa panahong may mabigat kang problema sila ang aagapay at tutulong sa iyo.


Ang pinakamapalad mo namang panahon, ay mula sa ika-19 ng Enero hanggang ika-28 ng Pebrero, mula sa ika-19 ng Hunyo hanggang ika-28 ng Hulyo at mula sa ika-19 ng Oktubre hanggang ika-28 ng Nobyembre, ang isa pa sa pinakamapalad mong panahon ay sa panahong nasa new moon, first quarter at full moon ang buwan sa langit. Sa mga panahong nabanggit, kusang iigting ang mabuting kapalaran. At sa mga panahon ding tinuran, magandang makipagsapalaran o kaya’y lakarin ang mahahalagang plano sa buhay upang magkaroon ng positibong resulta at masigurado ang isang malaking tagumpay.


Berde, pula at itim naman ang mapalad na kulay na dapat laging gamitin upang mas mabilis mong mahigop ang magagandang kapalaran sa pag-ibig at sa aspetong pangpinasnyal, habang ang batong topaz o kaya’y kahit ano’ng uri ng bato na nagtataglay ng kulay na pula o berde na ipapalamuti sa gold na singsing ay magsisilbi namang talisman, upang hindi ka tablan ng mga negatibong pangyayari sa iyong buhay.


Sa halip ang nasabing hiyas ang magbibigay sa iyo ng dagdag na lakas ng loob at kakaibang suwerte.


Ayon sa Decadens ng iyong kapalaran kusa namang iigting ang mabuti mong kapalaran sa taong 2024, 2025, 2026, 2027 at higit sa taong 2030 hanggang 2031, sa edad mong 37 pataas.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page