top of page
Search
  • BULGAR

Alam na this!... SHARON, PROUD NA PROUD NA MODEL NA SI FRANKIE, DEDMA SA CHARITY WORKS NI KC

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 27, 2020




Marami ang pumupuri sa ginagawang charity projects ngayon ni KC Concepcion na personal pang pumunta sa Cagayan Valley upang maghatid ng tulong/relief goods sa mga binahang residente.


At mukhang tuluy-tuloy pa ang kanyang pagbibigay ng ayuda dahil may fundraising-auction online siya ng kanyang pre-loved branded shoes and bags para makalikom ng pondo para sa ipamimigay niyang relief goods.


Sana raw ay pamarisan ng iba pang celebrities si KC Concepcion at mag-share/mag-donate rin sa mga nasalanta ng bagyo at baha.


Samantala, may ilang netizens ang nag-react sa recent post ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account. Puring-puri kasi ni Shawie ang anak niyang si Frankie Pangilinan at sinabing "I am so proud of my Kakie. She was chosen to be on the cover of the very first issue of Nylon Magazine Phils! Love you Baba.! Thank you so much@ nylon mag!”


Ang hinahanap at hinihintay ng mga netizens ay ang reaction/papuri man lang ni Megastar sa panganay niyang si KC na nagbenta ng mga alahas at ng kanyang pre-loved shoes and bags para lang makatulong at makapagbigay ng relief goods para sa mga binaha.


Bakit wala man lang daw reaction si Shawie sa charity works na ginagawa ni KC?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page