Alam mo ba ‘yun, DTI Usec. Castelo?! Hirit ni Sen. Imee, isang kilong sibuyas pa lang P500
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | December 24, 2022
IPINAGMAMALAKING P500 BUDGET SA NOCHE BUENA NI DTI USEC. RUTH CASTELO, SINUPALPAL—Sinupalpal ni Presidential sister, Sen. Imee Marcos ang ipinagmamalaki ni DTI Usec. Ruth Castelo, na kasya ang P500 pang-budget sa Noche Buena ng pamilyang Pinoy.
Hirit ni Sen. Imee, sa panahon ngayon ay halos pambili na lang ng isang kilong sibuyas ang P500 at hindi ito sapat para ma-enjoy ng pamilya Noche Buena ngayong Pasko.
◘◘◘
HUWAG SANANG LUMAGANAP ANG BF.7 OMICRON VARIANT—Lumalaganap ngayon sa China ang BF.7 Omicron—bagong deadly variant ng COVID-19.
‘Susmaryosep, sana ay hindi lumaganap ang bagong variant sa daigdig dahil ayaw nating maulit ang nangyari noong 2020 naperhuwisyo tayo dahil sa virus na siyang nagmula rin sa China.
Kaya’t sa mga kailangang lumabas ng bahay, mag-doble-ingat pa rin at ‘wag pasaway.
◘◘◘
SANA MASAYA TAYONG LAHAT SA PAGSALUBONG NG PASKO—Ilang oras na lamang ay Pasko na.
Sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa pahayagang BULGAR at online BULGAR, maligayang Pasko! Nawa’y maging masaya ang lahat sa pagsalubong nito.





Comments