Alam daw niya kaya oks lang… STARLET NA BAGO NI ION, TANGGAP NI VICE
- BULGAR

- Feb 5, 2021
- 2 min read
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | February 5, 2021

Sa nakaraang virtual presscon ng Tawag ng Tanghalan: Huling Bakbakan last weekend, naitanong kay Vice Ganda kung ano ang masasabi niya sa boyfriend na si Ion Perez na gumagawa ngayon ng isang sexy film titled Kaka sa baguhang sexy star na si Sunshine Gumary.
Pahayag ng It's Showtime host, aniya'y masaya siya na magkakaroon na ng pelikula ang ka-live-in na si Ion. Susuportahan daw niya ang boyfriend sa panibago nitong landas.
Sinabi pa ni Vice na trabaho lang ito nu'ng tinanggap nila ni Ion ang offer. Lingid sa kaalaman ng lahat, si Vice rin ang tumatayong manager ni Ion.
“Siyempre, alam ko ‘yun kasi ako ang manager ni Jackie (Gonzaga) at saka ni Ion. Ako ang pumirma sa kontrata,” paliwanag ni Vice.
“Nae-excite ako at sobra akong proud. Ang taray, may nakuhang ganu'ng role si Ion. Siya ‘yung pinili. Nasa showbiz tayo. Trabaho ‘yun," Vice said.
Masaya raw siya at may ibang pinagkakakitaan ang bf.
"Kikita siya ru'n. Para may pambili siya ng bagong rubber shoes!” sabay biro nito.
Wala naman daw pakialam si Vice sakaling may intimate o bed scenes sina Sunshine at Ion sa Kaka.
“Ako, go lang ako! Deads (dedma) ako sa ganu'n," aniya.
“Super support ako, ‘no! Siyempre, success niya ‘yun. At saka Ion is a different person. Iba kay Ion, iba kay Vice. Hindi pag-aari ni Vice si Ion. Si Vice rin, hindi pag-aari ni Ion. Puwede siyang lumipad. Lipad ka lang diyan, papalakpakan kita, go!”
Kung nakasuporta raw siya sa ibang struggling stars, bakit naman hindi niya susuportahan ang dyowa?
“Kung ‘yung mga taga-TNT (Tawag ng Tanghalan) nga, hindi ko naman kamag-anak, hindi ko naman jowa, pinapalakpakan ko, sinusuportahan ko, ‘yung jowa ko pa kaya?” pagtatapos ni Meme Vice.





Comments