top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Alak, simbolo ng tagumpay at kasaganaan

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 9, 2021
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 09, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Joseph ng Makati.


Dear Maestra,


Magandang araw sa inyo. Isa ako sa masugid na tagasubaybay ng iyong kolum at madalas akong magpaanalisa sa inyo. Natutuwa ako dahil tama ang lahat ang sinabi n’yo tungkol sa panaginip na isinangguni ko noon, kaya heto ako upang muling magpaanalisa sa inyo.


Napanaginipan ko na nakatayo ako sa may bintana namin habang umiinom ng wine. Ano ang gustong ipahiwatig ng panaginip ko?

Naghihintay,


Joseph


Sa iyo, Joseph,


Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na ikaw ay umiinom ng wine habang nakatayo sa may bintana. Ang alak ay sumasagisag ng kasaganaan, kaligayahan at tagumpay sa buhay. Ito rin ay nagpapahiwatig na may dadaluhan kang pagtitipon kasama ang iyong mga kaibigan kung saan mag-e-enjoy kayo nang husto.


Ang bintana naman sa panaginip mo ay nagpapahiwatig na marami kang ipinag-aalala tungkol sa mga kaibigan mo. Nababagabag ka dahil hindi mo alam kung sila ba ay totoong kaibigan o nagkukunwari lamang. Huwag kang mabahala dahil bungang isip lang ang mga ito, kumbaga, hindi totoo ang mga haka-haka mo tungkol sa kanila. Mapagkakatiwalaan mo sila at magiging tapat sa iyo. Anumang sitwasyon ang dumating sa iyong buhay, handa silang dumamay.


Matapat na sumasaiyo,


Maestra Estrellia De Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page