top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

ALAD NG BEBOT NA MADALING BUMIGAY SA MGA NAGING BF

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 7, 2021
3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | November 7, 2021




KATANUNGAN


  1. Marami na akong naging boyfriend, bale lima na sila at dahil lahat sila ay minahal ko, naipagkaloob ko ang aking pagkababae. Hindi naman ako nagsisisi, pero minsan, naiisip ko na baka babaeng marumi na ako nito.

  2. Kaya naisipan kong sumangguni upang malaman kung masama bang magpagalaw sa kung kani-kaninong lalaki kahit na ang mga lalaking ‘yun ay minahal mo? Nagtataka rin ako dahil madaling mahulog ang loob ko sa aking mga manliligaw, may mali ba sa aking pagkatao?

  3. Ang isa pang napapansin ko, madali akong magka-boyfriend, pero wala namang nagtatagal dahil matapos kong ibigay ang aking pagkababae, naghihiwalay din kami hanggang sa maka-lima na akong boyfriend. Pero kahit hiwalay na kami, magkaibigan at nagkikita pa rin kami.

  4. Sa palagay n’yo, Maestro, isa ba sa naging boyfriend ko ang aking mapapangasawa kahit ngayon ay may ika-anim akong boyfriend, pero walang pang two months ang relasyon namin ay may nangyari na sa amin? Ano ba ang nakaguhit sa aking mga palad, may pangako rin ba ng maligaya at panghabambuhay na pag-aasawa?


KASAGUTAN


  1. Hindi maganda, lalo na sa pananaw ng mga konserbatibong tao na magpagalaw ka sa kung kani-kaninong lalaki, higit lalo kung hindi mo pa naman tiyak na sila na ang iyong mapapangasawa. Hindi natin masasabing madali kang ma-in love dahil ang mas angkop na salita sa kalagayan mo ay madali kang mag-init at bumigay. Dahil hindi porke umibig ka ay obligado ka nang ibigay ang iyong pagkababae.

  2. Samantala, ayon sa straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, kaya nagiging balewala na sa iyo ang isuko ang iyong pagkababae, dahil sa sobrang pagiging praktikal at liberated mo. Kumbaga, noong una o ikalawang pagtatalik ka lang na-guilty, pero dahil malakas ang iyong loob, tila balewala na sa iyo ang makipagtalik sa mga lalaki.

  3. Ang pag-aanalisang ito ay madali namang kinumpirma ng hiwalay na Head Line at Life Line (Drawing A. at B. H-H arrow b. at L-L arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kapag parehong magkahiwalay ang Life Line at Heart Line (arrow b. at c.) ng isang tao, ito ay maliwanag na indikasyong bukod sa sobrang lakas ng loob, nawawala na rin ang guilty feelings sa mga panahong batbat o bantad na ang isang tao sa paggawa ng ka-imoralan hanggang sa tuluyang magkawindang-windang ang kanyang kinabukasan.

  4. Ang masaklap nito, kusang nabiyak at pumangit ang Marriage Line Drawing A. at B. 1-M arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na dahil naging habit mo ang bumigay at magpagalaw sa iyong nakakarelasyon, sa sandaling nagkapag-asawa ka, halos ganundin ang magaganap— maghihiwalay kayong mag-asawa dahil hindi ka makukuntento sa isa, dalawa o tatlong kapareha. Bagkus, kahit may asawa ka na, nakalulungkot mang sabihin, pero maraming lalaki pa rin ang magkakagusto, papatol at titikim sa iyo at sa bandang huli, hindi lang ang family life mo ang masisira kundi maging ang buong buhay mo.


MGA DAPAT GAWIN


  1. Nagagawa bang iwasan ang kapalaran? Siyempre naman kung gugustuhin mo, lalo na ‘yung mga kapalarang negatibo. Kung hindi kasi maiiwasan ang kapalaran, lalabas na kawawa at magiging kahabag-habag naman ang kalagayan ng mga tao, higit lalo silang may pangit na kapalaran.

  2. Kaya habang may panahon pa, Ms. Scorpio, umpisahan mo nang maging stick to one. Kumbaga, subukan mong magmahal nang wala munang halong pang-sexual. Kapag nagawa mo ‘yan sa loob ng isang taon, bago ka bumigay, ito ay malinaw na indikasyon na unti-unti ka nang natututong magmahal, hindi lamang sa aspetong seksuwal kundi isang pagmamahal na puro at dalisay. Kapag nangyari na ‘yan, hindi pa huli ang lahat dahil magkakaroon ka ng matino na pakikipagrelasyon na hahantong sa maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page