top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Aktres, todo-expect na raw… BARBIE, UMAMING WALANG GINAWA SA KANYA SI JAK NANG MANOOD SILA NG MOVIE

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 1, 2020
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 1, 2020




Nagbalik-tanaw ang showbiz couple na sina Barbie Forteza and Jak Roberto sa panahong hindi pa sila magdyowa at nagsisimula pa lang magkagustuhan.


Kuwento ni Barbie sa mukbang vlog nila ni Jak, aksidente lang ang first official date nila ni Jak. Dapat daw sana kasi ay group date 'yun at kasama ang kanilang mga friends. Pero nag-cancel daw lahat ang mga kasama nila kaya napilitan silang ituloy ang lakad nang silang dalawa lang.


Pero prior to that ay lumabas na rin daw sila with a group of friends.


"Nu'ng unang labas namin na 'yung first date namin, doon lang ako na-fall sa kanya.


"Pero 'yung prior to that, 'yung mga tapings namin, nu'ng lumabas kami with a group one time, wala pa 'yun, tropang-tropa lang. 'Yung first date lang namin.


"Kasi doon ko siya kumbaga walang kahati sa atensiyon ko. 'Yung atensiyon ko talaga, nasa kanya lang.


"So, nakita ko talaga kung ano'ng klase siyang lalaki na kalog, pilyo, ganyan, pero gentleman, very maalaga, maalalahanin. Saka lang ako na-fall," pagri-recall ni Barbie.


Si Jack naman, noon pa ay nasabi na niya na naging crush niya si Barbie nang una pa man silang magkatrabaho. Pero ayaw daw niyang ligawan noon ang young actress dahil ayaw niyang masira ang kanilang friendship.


"Nu'ng ano pa lang, after nu'ng Maynila, nagka-crush na 'ko sa 'yo. Nagustuhan kita nu'ng nagkakatrabaho na tayo sa Sunday All Stars, tapos sa Half-Sisters.


"Sa mga guestings, nagkikita na tayo pero 'pag nakikita kita, 'Uy, si Barbie. Pero hindi like parang jojowain, parang suntok sa buwan para sa 'kin. 'Pag nakikita lang kita, gusto ko na lang i-retain 'yung pagiging friends. Pero alam mo 'yun, kung may chance, talagang iga-grab ko 'yun,” sey ni Jak.


Balik-tanaw naman ni Barbie, “To be honest, nu'ng nagra-ramen tayo, nu'ng kumakain tayo ng lunch, tropa 'yun. Nu'ng nanood tayo ng unang sine, tropa 'yun.”


Sa pangalawang panonood ng sine, tropa pa rin daw sila.


"Pero nu'ng nagkape tayo, 'di ba, pinayagan tayo na mag-stay doon sa parang hindi doon sa madaming tao, so nagkaroon kami ng moment alone na kami lang. Although may tao pa rin sa paligid, pero mas nakahiwalay.


"Nagkakape kami, tapos doon talaga kami nakapag-usap. Doon ko na-realize na very ano siya, very Pinoy, very old school. Talagang promdi.


"Tapos, nagkaroon din kami ng quiet moment na na-realize ko na 'yun 'yung date ko na nagkaroon ako ng quiet moment with a guy na hindi ako na-awkward. Puwede kaming magdaldalan together, tapos puwede rin kaming maging tahimik together na walang awkwardness, hindi weird.


"Siguro, naubusan kami ng pag-uusapan pero para sa 'kin, hindi ako na-rattle na 'Luh, ang tahimik, ano ba'ng puwedeng i-open na topic? Pa'no ba para ma-entertain siya?'


"Kaya nu'ng ipinost ko na 'yung kamay mo na nakahawak doon sa isang kape, 'yun, meron na. Pero hindi like todo, mayroon nang chances of winning," ani Barbie kay Jak.


Sa pangatlong panonood nila ng movie, inamin ni Barbie na medyo nag-e-expect na siya ng ganap noon like holding hands at doon nga raw lalo niyang nagustuhan ang aktor dahil napaka-gentleman nito at hindi nag-take advantage.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page