Aktres, sobrang na-hurt sa kumalat… LUXURY CAR NI JILLIAN, BIGAY DAW NI CHAVIT
- BULGAR
- Jul 26, 2024
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 26, 2024

Medyo sumama ang loob ng Kapuso star na si Jillian Ward dahil sa ipinakakalat na fake news ng kanyang mga bashers na diumano, ang luxury car na ipinost niya ay hindi naman pera niya ang ipinambili kundi bigay ito ng isang old rich politician-businessman at nabanggit pa nga ang pangalan ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson.
At maging 'yung magarbong debut niya na idinaos sa isang five-star hotel ay pinagdududahan pa ring hindi siya ang gumastos.
May paliwanag si Jillian tungkol sa mga isyu sa kanya nang mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda.
'Yung tungkol sa luxury car ay galing sa inipon niyang pera mula sa kanyang pag-aartista.
Fifteen years na siya sa showbiz at nagsimula siya noon bilang child star.
'Yun namang ginastos sa kanyang debut, may ambag daw ang GMA Network at maging ang kanyang mga endorsements at HINDI GALING SA ISANG PULITIKO.
Dedicated at hardworking si Jillian Ward at focused sa kanyang career. Wala pa sa agenda niya ang pagkakaroon ng boyfriend.
Marami pa siyang pangarap na gustong makamit. At ngayon, abot-kamay na niya ang kanyang pangarap.
Game magbayad nang milyones…
VICE, INAAYOS NA ANG PAGKAKAROON NG BABY NILA NI ION

Gustong-gusto na ni Vice Ganda ang magkaroon ng sariling anak at plano niyang sa 2025 ay matupad na ito.
Malaking influence ang Lord of Scents na si Joel Cruz para sa pangarap niyang magkaroon ng anak.
Walo na ang anak ni Joel Cruz na iisa lang ang surrogate mom na isang German national na may blue eyes. Si Joel mismo ang naghanap-nag-background check sa kinuha niyang surrogate mom ng kanyang mga tisay at tisoy na anak.
Milyones din ang kanyang nagastos para sa mga bata.
Kaya, si Joel Cruz din mismo ang tumulong kay Vice Ganda na makahanap ng tamang surrogate mom. Hindi German ang gusto ni Vice Ganda kundi American girl. Inaayos na raw ang mga proseso na pagdaraanan ng surrogate mom sa pangarap na anak ni Vice Ganda.
Can afford naman magbayad nang milyones ang Unkabogable Star. At anak na lang ang kukumpleto sa pamilya nila ni Ion Perez.
Sinuwerte pa…
MARIS, MAS KUMITA NANG MAHIWALAY KAY RICO BLANCO

ANG bongga naman ni Maris Racal dahil nang aminin niyang break na sila ng singer/composer na si Rico Blanco ay biglang dumating ang offer sa kanya na malalaking endorsements.
Naging talk of the town kasi ang hiwalayan nila ni Rico matapos ang limang taon na relasyon.
Biglang nagkainteres kay Maris Racal ang malalaking advertisers. Swak naman ang tandem nila ni Anthony Jennings na kinakiligan ng mga viewers ng Can't Buy Me Love.
Malakas ang chemistry nila na mala-AlDub ang dating sa mga fans.
Kaya naman, marami ang nagsasabing nakabuti sa career ni Maris ang breakup nila ni Rico. Nagkaroon ng impact sa publiko ang kanyang pangalan. At ngayon nga, may movie na siya, ang Marupok AF.
NAKAKABILIB naman ang ginawa ni Barbie Forteza nang saklolohan niya si Herlene Budol nang mahulog sa stage noong ginanap ang GMA GALA 2024.
Kasehodang nakasuot ng mabigat na ball gown si Barbie, tumakbo siya upang tulungan na tumayo si Herlene. Nasaksihan 'yun ng marami kaya humanga sila sa kabaitan at pagiging humble ni Barbie.
Likas na mabait at down-to-earth ang bida ng Pulang Araw. Hindi siya feeling big star na tulad ng ibang Sparkle artists. Kasundo siya ng mga nakakatrabahong artista at maging ng mga production staff.
Kaya naman, blessed si Barbie at sunud-sunod ang magagandang projects niya sa GMA Network.
Samantala, grateful si Herlene Budol sa ginawa sa kanya ni Barbie.
Comments