top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Aktres, naka-jackpot sa rich businessman… WISH NG MGA BFF: ANGELICA, SERYOSOHIN NA NG BAGONG BF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 3, 2021
  • 1 min read

Updated: Jan 9, 2021

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 3, 2021




Kasabay ng pagdiriwang ng Bagong Taon ay nag-post si Angelica Panganiban sa kanyang Instagram account ng larawan nila ng isang lalaki na sinasabing bago niyang karelasyon ngayon na Gregg Homan diumano ang name.


Isa raw itong matagumpay na businessman at super rich ang pamilya. May malaki raw negosyo sa Subic at may mga pag-aaring hotel sa Australia ang pamilya ni Gregg Homan.


Kaya kung seryoso siya at pakakasalan si Angelica, tunay naman na masuwerte ang aktres.


Natutuwa naman ang mga BFF ni Angge na sina Kim Chiu at Bela Padilla sa balitang may BF na siya. Deserve naman daw ni Angge ang lumigaya.


Kaya ang dasal ng mga malalapit na kaibigan ay matagpuan na niya ang kanyang “the one” sa katauhan ni Gregg Homan.


Ibang klaseng magmahal si Angelica, "all mine to give” kapag inlab. Kaya, madalas ay nasasaktan siya after ng breakup.


Lagi na lang siyang iniiwan ng mga lalaking minahal niya. Hopefully, si Gregg Homan na nga ang sagot sa kanyang mga dasal.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page