top of page

Aktres, nagsalita na… CRIZA, MAY SUGAR DADDY DAW KAYA KERI MANOOD NG COACHELLA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 3 min read

ni Jonathan Talastas (OJT) @Special Article | April 12, 2026



Criza Taa - Instagram

Photo: Criza Taa - Instagram



Inulan ng saring-saring komento ang reply post ni Criza Taa sa kanyang social media account matapos itong pagsabihan ng isang netizen na mahina naman ang kanyang trabaho at walang bagong project kaya saan daw ito kumukuha ng pera?


Sa kanyang video sa TikTok, ibinahagi ni Criza ang excitement niya sa trip niya papuntang Los Angeles para mag-attend ng Coachella 2026 – isang dream na matagal na niyang gustong mangyari. 


Nagsimula lang ito bilang isang fun update. Nagsabi siya ng “Pack with me, may nakalimutan ba ‘ko?!?” at “COACHELLA here I come,” na nagpapakita ng saya at excitement niya sa biyahe.


Pero hindi nagtagal, may isang netizen na nag-comment at tinanong kung paano niya raw na-afford ang "lavish lifestyle" niya. 


May halong paratang pa raw ito na baka raw may "sugar daddy" siya na nagpopondo sa kanyang mga biyahe.


“Ano trabaho ni ate gurl? Considering na wala naman s’yang malalaking project at hindi naman malalaki view and brand collabs n’ya. Nakaka-curious,” sabi ng netizen.

Gayunman, hindi pinalampas ni Criza ang bastos na tanong. Sinagot niya agad ang comment ng diretsahang sagot. Nilinaw niyang hindi siya umaasa sa mga malalaking proyekto sa TV o pelikula. 


“WTF are you saying, almost all of my brand deals are 1M+ views, do you wanna see my taxes for the first quarter of 2026?” palabang sagot ng aktres. 


Dahil dito, nagkaisa ang mga fans ni Criza at ipinagtanggol siya sa online basher. 

Ayon sa ilang supporters…


“Actually, mas malaki kita ng brand deals, promotions, endorsements and all kesa teleserye or movie.”


"‘U wanna see my taxes,’ a certain individual can’t relate. Ganyan talaga ‘pag sa tama galing ‘yung pera. Proud of this girl.”


“Batak ‘yan si Criza sa live selling, malaki pa naman bayad sa mga ganu’n lalo ‘pag sikat ka,” biro pa ng isang netizen. 


May isa pang netizen na nag-react, sinabayan pa ng matinding banat: “Na-what the f*ck ka tuloy. Bastos ka kasi magtanong. ‘Yan, bata pa, milyon na binabayarang tax. Eh, ikaw, nagtatanong pa rin ng ulam sa magulang?” 


Bagama’t dinudumog si Criza ng mga chismis tungkol sa pinanggagalingan ng pera nito, hindi ito nagpadaig o nanatiling tamihik lamang. Sinagot n’ya ito nang diretsahan at walang pag-aalinlangan bilang sampal sa kanyang basher.





Ikinasal nu'ng Nov. 29, 2025…

ALYANA, BUNTIS NA SA FIRST BABY



PUNO ng saya ngayon si Alyana Asistio dahil malapit na siyang maging mommy. 

Ibinahagi ni Alyana, anak ng aktres na si Nadia Montenegro, sa kanyang social media account na buntis na siya sa unang anak nila ng asawa niyang si Raymond Mendoza.


Sa isang video na ipinost ni Alyana noong April 10, ipinakita niya ang mga reaksiyon ng kanyang mga mahal sa buhay nang malaman nila ang magandang balita. 


"2026 has been a rollercoaster of emotions!" ang masaya niyang caption.

"Nagpakasal kami noong Nov. 29, 2025, truly God’s best for me," aniya pa. 

"Noong Dec. 24, kumuha ako ng pregnancy test kasi hindi ko pa naranasang magka-delay, at guess what? Positive!" kuwento ni Alyana, habang binabalikan ang araw na natuklasan niyang buntis siya.


Ipinagdiwang ni Alyana ang magandang balita kasama ang kanyang asawa at kanilang mga kapamilya noong Bagong Taon. 


“Mabilis man ang journey namin as husband and wife, God knew our hearts were ready. And in His perfect time, He blessed us with you,” sabi ni Alyana habang tinutukoy ang sanggol sa kanyang tiyan.


Masaya pang mensahe ni Alyana sa kanyang asawa, “Wala nang mas hahanapin pa, ikaw lang. You’ve made all my dreams come true—from being your wife to becoming a mom."


“I know we’ve got this because we’re surrounded by such an amazing support system,” dagdag pa niyang balita. “Let’s enjoy this life, hav. I can’t wait to create more beautiful memories together. I love you so much.”


Nagpakasal sina Alyana at Raymond sa isang church ceremony sa Dumaguete. 

Excited na ang lahat para sa bagong chapter ng kanilang buhay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page