Aktres, kaya umatras sa kasal… HINIHINGI NG PAMILYA NI VINCENT KAY BEA SA PRENUP, ‘DI RAW MAKATAO
- BULGAR

- 3 days ago
- 3 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | May 11, 2026

Photo: FB / Circulated
For three (3) years ay naitago nga ni Kim Domingo at ng Thai BF nitong may initials lang na ‘J.I.’ ang kanilang relasyon.
Inilabas lang ito ng seksing aktres sa socmed (social media) bilang tugon nito sa malisyosong item ng socmed sensation at tsismosong si Xian Gaza.
Sa isang blind item post kasi ni Xian ay tila si Kim ang inilalarawan nitong seksing aktres na yumaman na raw sa panghaharbat sa papang rich politician.
Kaya nagbigay ng kanyang napakahabang post sa socmed si Kim at tinawag nga niyang ‘Mr. Xian’ ang naturang blogger na nagpapakalat umano ng tsismis.
Sinabi rin nitong ang rason kung bakit halos ginawa na ni KIm na second home ang Thailand ay dahil doon niya natagpuan ang hinahanap na privacy bilang isang tao at hindi bilang isang celebrity.
Ikinuwento pa nitong for three years ay ganoon ang naging set-up nila ng Thai BF at kung siya naman itong busy sa work sa bansa ay ito naman ang dumadalaw sa kanya at matiyaga siyang sinusuportahan.
“Lahat ng mga nakatrabaho ko at kilala ko ay nakikita kung paano n’ya ako sinusuportahan,” pagmamalaki pa ni Kim.
For 3 years nga raw ay ganoon ang arrangement nila kaya’t minabuti ni Kim Domingo na ibulgar sa publiko ang dahilan ng pagpunta niya sa Thailand.
Marami naman ang naaawa kay Bea Alonzo kung sakali mang totoo ang mga sinasabing rason kung bakit urong-sulong at tila hindi na naman matutuloy ang pagpapakasal nito kay Vincent Co.
Sa mga naglabasan na ngang report ay marami ang nagsasabing ang usapin kaugnay sa prenup ang dahilan kung bakit nangyayari ito.
Na kesyo may mga last items na hindi pinaboran ni Bea gaya ng kapag naikasal na raw sila ni Vincent ay sa tahanan ng lalaki – kasama ang buong pamilya nito – sila titira. Na kapag nagkaroon na sila ng anak at sakaling maghiwalay ay sa lalaki mapupunta ang mga bata. Na kesyo hindi magkakaroon ng anumang papel si Bea sa negosyo ng asawa o anumang kabuhayan na itatayo nito. At ‘yun ngang ‘amount’ umano ng pera na magiging ‘conjugal’ para sa mag-asawa ay may mga limitasyon din.
“Grabe namang prenup ‘yan. ‘Di na makatao. Sana naman ay ‘di ‘yan totoo,” komento ng netizen.
“Ano’ng tingin nila kay Bea, palahian lang? Naku, girl, super red na red flag ‘yan. ‘Di love ang tawag d’yan,” hirit ng ilan pa.
As we write this, tinangka naming makuhanan man lang ng kahit anong reaksiyon ang manager-friend ni Bea Alonzo na si Tita Shirley Kuan na noong huli naming makita at makausap ay kumpirmadong didiretso na ng Spain after her medical reporting sa USA doctors niya.
Ang siste, may mga kumakalat ding balita na kahit ang mga taong malalapit kay Bea na naka-book na papunta sa Spain para dumalo sa kasal ay balita ring nagsipag-cancel na ng kanilang booking flights.
Hay…
Nagpipigil lang daw…
GOMA, GIGIL NA GIGIL KAY LEVISTE
Hmmm… kung saka-sakali palang magtatagpo o muling magkukrus ang mga landas ni Cong. Richard Gomez at ng matabil at dakdakerong si Leandro Leviste ay malamang daw na masampulan ito ni Goma ng kanyang bagsik.
Inamin kasi ng malalapit na kaibigan ng aktor-pulitiko na nabanas at naangasan daw ito nang husto sa batang kongresista na baril na lang nang baril sa mga kapwa niya nasa gobyerno na akala mo’y alam ang lahat ng bagay pero kuwestiyunable naman ang mga info at proofs.
“Naku, nagpipigil lang at nagpapakita ng tamang protocol; bilang mambabatas si Goma kaya’t nananahimik s’ya. ‘Wag n’yang tangkain dahil iba rin ‘pag napikon si Cong. (Richard Gomez),” sey pa ng mga kaibigan ni Goma sa tila karakter daw ni Leviste na mambuska, o sadyang pamimikon sa sinumang mapagtripan nito sa plenaryo ng Kongreso.





Comments