Aktres, kay Maja na raw magpapa-manage… KATHRYN AT DANIEL, LALAYAS NA SA STAR MAGIC
- BULGAR
- Nov 30, 2023
- 1 min read
ni Ador V. Saluta @Adore Me! | November 30, 2023

Kaugnay ng tumitinding isyu sa KathNiel, seryoso na ang dalawa na wala nang puwede pang mamagitan sa kanila kung ang pag-uusapa'y pagkakasundong muli o pagkakapatawaran.
Pagkatapos ng hiwalayan, may pasabog umano ang kampo ni Kathryn. Tila kakalas na ito sa pangangalaga ng Star Magic, ang talent arm na nagbigay sa kanya ng malaking pangalan sa showbiz.
Hindi pa man kumpirmado ang paglayas ng Asia's Superstar sa Star Magic, kalat na at usap-usapan ngayon sa social media ang rebelasyon ni Cristy Fermin sa kanyang YouTube show na Showbiz Now Na tungkol sa tambalang KathNiel.
May nakarating umano kasing info kay Fermin na hindi na ire-renew ng Star Magic ang kontrata ng dalaga ngunit aminado naman daw siya na wala pa siyang resibo o patotoo sa tsismis na ito.
"Ang kuwento, hindi na sila ire-renew ng Star Magic. Ang balita, ang kampo ni Kathryn, nakikipag-usap na raw kay Rambo Nuñez, kina Maja (Salvador)," kuwento ni Cristy.
Sina Maja at Rambo ang nasa likod ng Crown Artist Management na nangangalaga rin sa career ni John Lloyd Cruz.
"At ang kay Daniel naman daw ay ibang management," ayon pa sa tsika ng Showbiz Now Na! host.
Well, kung matutuloy ito, tuluyan na ngang mabubuwag ang tambalang KathNiel.








Comments