Search
  • BULGAR

Aktres, dahilan ng hiwalayan ng aktor sa GF… JANE AT RK, HULING NAGPAKALIGAYA SA LAGUNA

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | February 23, 2021




Hinala ng ilang netizens, may katotohanan ang tsismis na may relasyon sina Jane Oineza at RK Bagatsing pagkatapos mamataan ang dalawa na nagpalipas ng weekend sa Laguna.


Ang sinasabing quick getaway ng dalawa sa Lake Caliraya ay kanila ring kinumpirma sa kanilang hiwalay na Instagram account.


Bagama't walang kasamang larawan ang kanilang IG posts, ang pagkakasabay ng kanilang post ay isang pruweba na magkasama nga raw ang dalawa sa Laguna.


Nagsimula ang romantic involvement nina Jane at RK nang sila'y pagtambalin onscreen for the first time via the 2018 teleserye Araw Gabi.


Matatandaang noong February, 2020, nakipag-break ang aktor sa kanyang non-showbiz girlfriend at si Jane ang itinuturong third party sa nasabing hiwalayan, na pinabulaanan naman ni RK.


“As far as I’m concerned, walang third party. We care about each other so much. Nag-usap kami nang maayos. We just couldn’t bring it back to what it used to be,” paglilinaw pa ni RK.


Samantala, walang kumpirmasyon kay Jane kung romantically linked ba sila ni RK bagama't sa isang panayam, sinabi nitong may posibilidad na maging sila ng aktor balang-araw.


"Wala naman akong isinasara. Hindi ko naman pinipigilan at wala rin akong hinahanap. Kung darating ay darating," hiwalay na pahayag ni Jane.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.