top of page
Search
  • BULGAR

Aktres, after mahiwalay kay Derek… SEF, UMAMIN SA KANILA NI ANDREA

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | March 2, 2021





Inabangan namin ang guesting ni Sef Cadayona sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) noong Linggo dahil gusto naming malaman ang sagot niya kung liligawan ba niya ulit ang ex-GF na si Andrea Torres ngayong break na ito kay Derek Ramsay.


Nasubaybayan namin ang closeness noon nina Andrea at Sef noong nasa Bubble Gang pa ang sexy Kapuso actress. Hindi man sila lantarang umamin, alam ng kanilang mga co-stars na may relasyon sila.


Sa tanong ni Boobay kay Sef ay nagpakatotoo ang comedian-host sa kanyang sagot. Umamin siya na may communication pa rin sila ni Andrea at magkaibigan pa rin.


"We reconnect with each other,” ang exact words ni Sef at walang binanggit kung nanliligaw ulit siya.


At siguro nga, wrong timing at hindi katanggap-tanggap kung papasok siya ulit sa buhay ni Andrea na kabe-break lang kay Derek Ramsay.


Medyo naintriga lang kami kung sino ang pinatutungkulan ni Sef nang sabihin niyang… "Malaki lang ang katawan mo, pero mas matikas ako."

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page