top of page
Search
BULGAR

Aktor, papasok sa pulitika… CRISTINE AT MARCO, TODO-PAPANSIN

ni Ambet Nabus @Let's See | August 17, 2024


Showbiz News
Photo: Marco Gumabao / IG

Kaya naman daw pala nag-deactivate ng kanyang social media account sa Instagram (IG) si Cristine Reyes ay dahil nais niyang mag-focus sa ginagawang The Kingdom movie, isa sa mga entries sa darating na 2024 MMFF. 


Marami ang nagtaas ng kilay dahil lumalabas nga na pabida si Cristine, kahit sina Bossing Vic Sotto at Piolo Pascual ang mga main leads ng movie. 


“Baka naman gusto lang maging professional ni Cristine. Baka para sa kanya ay distraction ang social media at ayaw niyang mapahiya kina Vic at Piolo,” pagtatanggol ng ilan kay Cristine. 


Kaya naman nang sumabog ang mga tanong kung bakit hindi siya nakita sa birthday salubong ng jowa niyang si Marco Gumabao, maagap ang naging reaksiyon nito. Agad siyang nag-post ng birthday greetings na may caption pang “Mahal ko ‘yan,” habang kasama si Marco. 


May mga nagsasabi tuloy na nagpapansin lang ang dalawa, lalo’t nabalitang nagpaparamdam na rin si Marco para sa umano’y plano nitong pagpasok sa pulitika. 


Yes, maugong ang tsika sa Albay province sa Bicol na doon nga nagbabalak tumakbo bilang pulitiko si Marco Gumabao.


 

Kinumpirma ni Markus Paterson na muntikan na pala siyang pumasok sa army sa UK nu’ng umuwi siya matapos ang kanilang paghihiwalay ni Janella Salvador. Inakala kasi niyang maaaring wala na siyang balikan na showbiz career sa bansa, at dahil nasa military ang kanyang ama, naisipan niyang i-consider ang planong ito.


“But I have my son here. Kailangan n’ya ako, kaya’t ‘yung pagbalanse sa mga options ay talagang pinag-aralan ko, and here I am, actively doing projects pa naman po,” bahagi ng salaysay ni Markus.


Hindi man nag-work ang relasyon nila ni Janella, nananatili silang magkaibigan at parehong magulang ng kanilang anak. 


“You know, when you have a family, a son in my case, hindi na basta sarili mo lang ang iisipin mo,” dagdag pa ng aktor.


Muling nagbibida si Markus sa Pretty Boys, isang BL series na mapapanood sa Vivamax Plus (hindi ‘yung puro sexy na platform, ha?). 


Sa ipinakitang trailer sa amin, talagang game na game siya sa mga eksenang “BL” na ang ibig sabihin ay ‘boys’ love’ (kissing, etc.) kasama ang kanyang co-actor na si Tommy Alejandrino, na aminadong “twink” at nag-enjoy sa kanyang role, at ka-triangle nila si Kiel Aguilar sa direksiyon ni Andrew Payawal. 


Si Direk Andrew din ang nagpasikat sa atin sa Game Boys, ang lockdown BL series na talagang naging big hit.


 

Sa September 10 ay magsisimula nang pintahan ang mga walls sa kahabaan ng EDSA. Sa naganap na signing of Memorandum of Understanding between i-Academy at MMDA, napagkasunduan ng dalawang grupo na buhayin ang EDSA sa pamamagitan ng pagpapalagay ng mga MMFF movie posters na ipipinta sa mga bakanteng walls (North to South).


May mga batang painters mula sa i-Academy (isang high-end school sa Makati) na siyang magre-replicate ng mga naging entries sa MMFF mula nang magsimula ito bilang Manila Film Festival hanggang sa naging Metro Manila Film Festival. 


Lalakbayin sa EDSA via painted posters ang kasaysayan ng MMFF, kaya't nakaka-excite ito lalo't magiging permanenteng murals/paintings na ang mga nasabing pelikula. 


Yes, mga Ka-Bulgar, sa bawat biyahe natin sa EDSA, para na rin tayong nanonood ng sine dahil titiyakin ng MMDA at i-Academy na makulay, positibo, at very relaxing ang ambiance.


Ang ilan sa mga famous MMFF entries na kami’y nae-excite makita na nakapinta ay ang Panday series ni FPJ, Mano Po series, Shake, Rattle and Roll, mga nanalong Best Picture na classics, at siyempre pa, ang mga movies nina Ate Vi at iba pang legends sa industry na naging bahagi ng MMFF.


Kudos sa i-Academy at sa leadership ni Atty. Dan Artes ng MMDA.



0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page