top of page
Sharlene San Pedro - IG.jpg

Akala malalaos na, nagka-project pa sa US… ANTHONY, MARAMING NATUTUNAN SA PANLOLOKO SA GF DAHIL KAY MARIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | june 1, 2026



LETS SEE - ANTHONY, MARAMING NATUTUNAN SA PANLOLOKO SA GF DAHIL KAY MARIS-IG _anthonyjennings & FB Maris Racal

Photo: IG _anthonyjennings & FB Maris Racal




Mas mukhang ‘fresh’ at ramdam mo talaga ang sinasabing ‘saya’ ni Anthony Jennings nang makaharap namin ito kamakailan.


Halos magtu-2 years pala siyang walang gaanong activity sa showbiz after ngang sumabog at mabulgar ang ‘cheating item’ niya sa kanyang noo’y GF na kinasangkutan pa ni Maris Racal.


“‘Di ko talaga inakala na may magtitiwala sa akin uli. Inisip ko na marahil ay matatagalan pa siguro bago ako uli makabangon,” sambit ni Jennings na taglay pa rin ang pagiging kenkoy at palabirong karakter.


Sobra raw talaga niyang in-assess at inalisa ang mga nangyari at mga pagkakamaling nagawa.


“S’yempre, with the help and support of my family, ‘yung mga taong nand’yan at ‘di bumitaw, mas madali kong natanggap lahat ng pagkakamali ko,” sey nito.


“Basta happy ako, masaya ako sa ngayon at masasabi kong pinatatag ako ng mga wrongdoings ko at natuto talaga ako. Marami akong natutunan sa mga pagkakamali ko,” seryoso nitong sambit.


“Be a good person,” ang buod umano ng lesson na kanyang sinusubukang laging bitbit ngayon sa lahat ng kanyang mga gawain.


“Always be a good person, and everything will follow,” dugtong nito.


May upcoming series si Anthony na malapit nang mapanood sa iWant na ginawa pa nila sa USA, ang Nurse the Dead (NTD), kung saan nakatrabaho niya ang mga ngayo’y USA-based actors na sina Princess Punzalan, Tootsie Guevarra, Gigette Reyes at Ruby Rodriguez at iba pang mga Pinoy talents doon.


Pinagbibidahan din ang may pagka-supernatural story na Nurse the Dead ng Fil-Am (Filipino-American) host na si Jelynn Malone.





Mga hosts, ‘minemohan…

ABS-CBN NADUWAG SA GOBYERNO, GUESTING NI CHRISTIAN ESGUERRA SA Y SPEAK, TINANGGAL NA



“NATATAKOT ba sila o masyado lang nag-iingat?” ang reaksiyon ng mga supporters ni Christian Esguerra na gaya ng YouTuber (YTr) ay dismayado umano sa tila karuwagan o pag-play safe ng ABS-CBN Network na nagpapatakbo ng show na Y Speak 2.0 (YS2.0).


Kaugnay nga ‘yan ng diumano’y pagtanggal sa naging guesting ng kilalang YTr at minsan na ring naging parte ng ANC bilang news correspondent.


“Nasaan ang tapang nila? Ang dami-dami nilang celebrities na kung makapuna at makabuska sa gobyerno ay feeling mga mahuhusay at entitled, bakit kung kailan mayroong nagsasalita sa programang bagay naman sa topic, saka may ganyan? Kahit kailan talaga, negosyante ang ABS-CBN,” sigaw ng netizen.


Sa naturang guesting nga raw ay may portion kung saan binigyan ng paglalarawan ni Esguerra ang mga top personalities sa politics/government gaya nga ng mga nasa Senado.


Halimbawa nga raw diyan ay sina Sen. Robin Padilla at Sen. Bato dela Rosa na pinagtatakhan ni Esguerra kung paanong naging senador. ‘Evil’ naman ang itinawag nito kay Vice-President (VP) Sara Duterte, habang ‘decent’ si Hontiveros, ‘madaldal’ si Usec. Claire Castro, ‘matapang’ si Trillanes, at tinawag nitong ‘Tsinador’ si Marcoleta. ‘Promising’ naman ang description nito kay Pasig City Mayor Vico Sotto.


Ayon sa mga supporters ni Esguerra — at maging siya mismo — ay wala na, tinanggal na o sadyang hindi na ini-upload ang naturang interview sa kanya ng programa.


Ayon sa tsismis na lumabas, nagpalabas diumano ng memo ang YSpeak 2.0 producers sa mga hosts ng show na kinabibilangan nina Elijah Canlas, Robbie Jaworski, River Joseph, KD Estrada, Ralph de Leon at Aya Fernandez na manahimik at huwag nang makisali pa sa mainit na reaksiyon at diskurso ng madlang pipol.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page