Search
  • BULGAR

Airport sa Italy, da best sa buong mundo

ni Thea Janica Teh | September 15, 2020




Nakamit ng Fiumicino Airport ng Rome ang kauna-unahang “COVID-19 5-Star Airport Rating” sa buong mundo na iginawad ng Skytrax.

Ang Skytrax ay kilala sa pagbibigay ng annual ranking sa best airport sa buong mundo, kaya naman naisipan nilang bigyan din ng parangal ang airport na sumusunod sa health protocols at hygiene sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Ito ay nasungkit nga ng Fiumicino Airport (FCO) o mas kilala bilang Leonardo Da Vinci International Airport na matatagpuan sa Italy.

Noong Setyembre 1, nagbukas ang airport ng 7,000-square-foot COVID testing center kasama ang Red Cross Italy. Ngunit, hindi ito ang dahilan kung bakit ito naparangalan ng Skytrax, kundi dahil sa mga signage nitong may multiple language, istriktong pagsusuot ng face mask, maiging paglilinis ng mga cleaning staff at marami pang iba.

Samantala, nakatanggap naman ng 3-star ang tatlong airport na Málaga-Costa del Sol Airport (AGP) sa Spain, Nice Côte d'Azur Airport (NCE) sa France at London's Heathrow (LHR).

Ayon sa Skytrax, ang five stars ay katumbas ng "very high standards of airport cleanliness and maintenance procedures.” Ang four stars naman ay “good” at ang 3 ay “average”.

Ang opisina ng Skytrax ay matatagpuan sa United Kingdom kaya ang mga namo-monitor pa lang sa ngayon ay mga European Airport. Plano ng Skytrax na ma-monitor din ang mga airport sa North America, Middle East at Asia bago matapos ang taong 2020.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.