top of page
FRANKLY - ANNOUNCEMENT SA PAGBUBUNTIS NI SARAH, INAABANGAN NA-IG _matteog.jpg

Aircon ng ospital sumabog, 14 beybi, natusta

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 9 hours ago
  • 2 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | August 28, 2026



Pakistan Institute of Medical Sciences (PIMS) Hospital sa Islamabad - AFP

Photo: Pakistan Institute of Medical Sciences (PIMS) Hospital sa Islamabad - AFP



Patay ang 14 na bagong silang na sanggol matapos sumiklab ang sunog sa isang nursery ng Pakistan Institute of Medical Sciences (PIMS) sa Islamabad, Pakistan, nitong Miyerkules ng umaga.


Batay sa ulat, nasa loob ng nursery ang hindi bababa sa 15 sanggol nang mangyari ang insidente alas-6:45 ng umaga. Isa lamang ang nailigtas habang kumpirmadong nasawi ang 14.


Iniulat ng rescue officials na nagsimula ang sunog matapos umanong sumabog ang compressor ng air-conditioning unit sa nursery na matatagpuan sa gynecology ward. Agad namang rumesponde ang mga bumbero at naapula ang apoy, habang nagsagawa ng cooling operations ang rescue teams.


Kasunod ng trahedya, bumuo ang Islamabad district magistrate ng multiagency fact-finding committee na inatasang magsumite ng ulat sa loob ng 24 oras. Tututukan ng imbestigasyon ang pinagmulan at pagkalat ng apoy, fire-safety measures ng ospital at naging tugon nito sa emergency.


Nagpahayag naman ng pakikiramay sina Prime Minister Shehbaz Sharif, Interior Minister Mohsin Naqvi at President Asif Ali Zardari. Iniutos ni Sharif ang agarang imbestigasyon, habang nanawagan si Zardari na papanagutin sa batas ang sinumang

mapatutunayang responsable.


Sa labas ng ospital, nagtipon ang mga magulang at kaanak ng mga biktima, na humihingi ng paliwanag at pananagutan. Kabilang sa mga nagluksa ang mga pamilyang ilang araw pa lamang nakapiling ang kanilang mga sanggol.


Ayon kay Health Minister Mustafa Kamal, pangunahing prayoridad ng pamahalaan ang pag-alalay sa mga pamilyang nawalan ng anak at maayos na pag-turn over sa kanila ng mga labi. Personal din niyang pangungunahan ang imbestigasyon sa PIMS, isa sa pinakamalaking pampublikong ospital sa Islamabad.


Samantala, nais ng pamahalaan na matukoy kung sapat ang mga kagamitang panlaban sa sunog at emergency procedures ng ospital, lalo na sa mga lugar na kumakalinga sa mga bagong silang na sanggol.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page