top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg
Search

ni Justine Berganio @Overseas News | August 28, 2026



Pakistan Institute of Medical Sciences (PIMS) Hospital sa Islamabad - AFP

Photo: Pakistan Institute of Medical Sciences (PIMS) Hospital sa Islamabad - AFP



Patay ang 14 na bagong silang na sanggol matapos sumiklab ang sunog sa isang nursery ng Pakistan Institute of Medical Sciences (PIMS) sa Islamabad, Pakistan, nitong Miyerkules ng umaga.


Batay sa ulat, nasa loob ng nursery ang hindi bababa sa 15 sanggol nang mangyari ang insidente alas-6:45 ng umaga. Isa lamang ang nailigtas habang kumpirmadong nasawi ang 14.


Iniulat ng rescue officials na nagsimula ang sunog matapos umanong sumabog ang compressor ng air-conditioning unit sa nursery na matatagpuan sa gynecology ward. Agad namang rumesponde ang mga bumbero at naapula ang apoy, habang nagsagawa ng cooling operations ang rescue teams.


Kasunod ng trahedya, bumuo ang Islamabad district magistrate ng multiagency fact-finding committee na inatasang magsumite ng ulat sa loob ng 24 oras. Tututukan ng imbestigasyon ang pinagmulan at pagkalat ng apoy, fire-safety measures ng ospital at naging tugon nito sa emergency.


Nagpahayag naman ng pakikiramay sina Prime Minister Shehbaz Sharif, Interior Minister Mohsin Naqvi at President Asif Ali Zardari. Iniutos ni Sharif ang agarang imbestigasyon, habang nanawagan si Zardari na papanagutin sa batas ang sinumang

mapatutunayang responsable.


Sa labas ng ospital, nagtipon ang mga magulang at kaanak ng mga biktima, na humihingi ng paliwanag at pananagutan. Kabilang sa mga nagluksa ang mga pamilyang ilang araw pa lamang nakapiling ang kanilang mga sanggol.


Ayon kay Health Minister Mustafa Kamal, pangunahing prayoridad ng pamahalaan ang pag-alalay sa mga pamilyang nawalan ng anak at maayos na pag-turn over sa kanila ng mga labi. Personal din niyang pangungunahan ang imbestigasyon sa PIMS, isa sa pinakamalaking pampublikong ospital sa Islamabad.


Samantala, nais ng pamahalaan na matukoy kung sapat ang mga kagamitang panlaban sa sunog at emergency procedures ng ospital, lalo na sa mga lugar na kumakalinga sa mga bagong silang na sanggol.


 
 

by Jenny Rose Albason @World News | February 27, 2026



Taliban security personnel sa pag-guard sa Torkham border crossing pagitan ng Afghanistan at Pakistan sa Nangarhar province, February 27, 2026 Aimal Zahir-AFP

Photo: File / Aimal Zahir-AFP



Nagsagawa ang Afghanistan ng malawakang pag-atake laban sa Pakistan bilang tugon sa naunang aksyon ng Taliban.


Ilang sundalo ng Pakistan ang nasawi, at may ilan ding inaresto sa isinasagawang military operations sa kanilang border.


Ayon sa Taliban, may ilang paglabag ang Pakistan sa kanilang hangganan na hindi nila matitiis.


Magugunitang kamakailan, naglunsad ang Pakistan ng pag-atake sa Afghanistan na nakatuon sa mga teroristang responsable sa mga suicide bombing.


 
 

'Pinas


ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 14, 2021



Pinalawig pa ng Pilipinas ang travel ban sa India hanggang sa katapusan ng Mayo dahil sa patuloy na paglala ng kaso ng COVID-19 sa naturang bansa.


Extended din ang travel ban sa mga karatig-bansa ng India katulad ng Bangladesh, Pakistan, Nepal at Sri Lanka.


Pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, "All existing travel restrictions of passengers coming from India, Pakistan, Nepal, Bangladesh and Sri Lanka are extended until May 31, 2021.”


Kasabay nito, epektibo na rin sa May 15 hanggang 31 ang travel ban sa mga biyahero mula Oman at United Arab Emirates (UAE).


Sakop din sa naturang restriksiyon ang mga may travel history sa UAE at Oman sa loob ng 14 na araw, ayon kay Roque.


Nilinaw din ni Roque na hindi kasama sa travel ban ang mga pasahero na nakalabas na sa UAE at Oman bago mag-May 15 at maaari pa ring makapasok sa Pilipinas ngunit kailangang sumailalim sa 14-day quarantine.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page