top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ahas, pahiwatig na may lihim na galit

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 24, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | May 24, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jovy ng Tondo.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na ang daming snails sa garden naming habang kinakain nito ang mga halamang nakatanim. Nang may biglang lumitaw na ahas, hinambalos ko ito at kalaunan ay namatay.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Jovy


Sa iyo, Jovy,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na ang daming snails at kinain nito lahat ang halamang nakatanim, ay makakaramdam ka ng pag-aalala dahil ang iyong mga kaibigan ay nagbabalak na pabagsakin ka.


Samantala, ang ahas ay nangangahulugan na may taong lihim na galit sa iyo. Ito rin ay pahiwatig na maaaring may karibal ka sa taong minamahal mo. Ito ay may kaugnayan sa sexual desire na ‘di mo maipadama sa taong gusto mo. Ang hinambalos mo ang ahas at napatay mo ay senyales na may kakayahan kang talunin ang iyong mga kaaway. Hindi sila magtatagumpay anuman ang binabalak nilang hindi maganda laban sa iyo.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page