top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Agricultural Country ang ‘Pinas, tapos naging top rice importer sa buong mundo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 16, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | September 16, 2023


BAKA PINAGTATAWANAN NA NG BUONG MUNDO ANG ‘PINAS, KASI AGRICULTURAL COUNTRY ITO, TAPOS NAGING TOP RICE IMPORTER SA BUONG MUNDO -- Ayon sa data ng United States Department of Agriculture (USDA) ay naungusan na raw ng Pilipinas ang China bilang top rice importer sa buong mundo.


Dahil d’yan, baka pinagtatawanan na ng mundo ang Pilipinas kasi mantakin n’yo, agricultural country ang bansa, tapos naitala bilang top rice importer sa buong mundo. boom!


◘◘◘


SI P-BBM LANG ANG MAKAPAGPAPATIGIL SA MAINIT NA ISYU NG CONFIDENTIAL FUNDS -- Nagiging masama na ang tingin ng publiko sa confidential fund, kasi kung dati ay pork barrel lamang ang alam ng mamamayan na source ng corruption umano, ngayon pati ang “confi funds” ay nabatid na rin ng taumbayan na posibleng source of corruption.


At para matigil na ang isyu sa confidential funds, dapat na ipag-utos ni Pres. Bongbong Marcos na tanging ang Commander-in-Chief sa katauhan niya (P-BBM) at mga ahensyang may mandato sa law enforcement at national security na lang ang bibigyan ng “confi funds” at ni-isang trapo ay wala nang matatanggap na confi fund, period!


◘◘◘


SANA HINDI LANG SA CALABARZON ITAAS ANG DAILY SUWELDO NG MANGGAGAWA, SANA ALL -- Nanawagan sa pamahalaan ang Labor Coalition sa Southern Tagalog region na dahil sa mahal na presyo ng mga bilihin at bayarin ay napapanahon na raw na gawing P750 ang daily minimum wage ng mga manggagawa sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (CALABARZON).


Sakaling aprubahan ni P-BBM, sana ay ipairal ang ganitong daily minimum wage sa buong bansa, kasi hindi lang naman sa CALABARZON mahal ang presyo ng mga bilihin at bayarin, kundi sa buong Pilipinas, boom!


◘◘◘


SI EX-P-DUTERTE ANG WEAK HINDI SI P-BBM, KASI ANG 2 YEARS BONUS NA ‘DI NAIBIGAY NI DIGONG SA 900K GURO, NAIBIGAY NG MARCOS ADMIN -- Ini-release na ng Marcos administration ang P11.6 billion performance based bonus para sa may 900,000 public school teachers na hindi naibigay ng Duterte admin sa nakalipas na dalawang taon.


Dahil d’yan, lumalabas na mas weak pala si ex-P-Duterte kaysa kay P-BBM na sinabihan niya noon na “weak leader”, kasi ang hindi niya (Digong) naibigay sa loob ng 2 years na performance based bonus, ay naibigay ni P-BBM, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page