Agri-smugglers kaya ang may ayaw maalis sa da si P-BBM?
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | June 17, 2023
SINO ANG AYAW MAGPAALIS KAY P-BBM SA DA, MGA AGRI-SMUGGLERS KAYA? -- Nang tanungin ng mga mamamahayag si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) kung may plano na siyang magtalaga ng kalihim o mamumuno sa Dept. of Agriculture (DA), ang naging tugon ng Presidente na siyang umaakto ngayong DA sec., ay “Ayaw akong paalisin” na indikasyong mananatili pa rin siyang head ng Agrikultura.
Mga agri-smugglers kaya ang ayaw magpaalis kay P-BBM sa DA?
Kung matatandaan n’yo, mismong si presidential sister, Sen. Imee Marcos ang nagsabi noon na masyadong mabait daw ang utol niyang presidente kaya wala itong aksyon para gamitan ng kamay na bakal ang mga agri-smugglers sa ‘Pinas, boom!
◘◘◘
HINDI LANG SI P-BBM, KAHIT MGA PAST PRESIDENT MABAIT DIN SA AGRI-SMUGGLERS -- Sa totoo lang, hindi lang si P-BBM ang nagpapakita ng kabaitan sa mga agri-smuggler, kundi pati ang mga past president.
Tulad din ni P-BBM, hindi rin gumamit ng kamay na bakal laban sa mga agri-smuggler ang mga dating presidente at patunay d'yan na kahit isang smuggler ay walang naipakulong ang mga nakaraang administrasyon kung kaya’t hanggang ngayon ay nagpapatuloy ang agri-smuggling sa Customs nina "Leah Cruz", "Michael Yang", "David Bangayan", "Paul Teves", "Manuel Tan", "Andrew Chang", "Jun Diamante", "Lujene Ang", "Beverly Peres", "Lucio Lim" alyas "Aaron" at "Michael Mam", period!
◘◘◘
MALAPIT NANG MATAPOS ANG HAPPY DAYS NG MGA GAMBLING LORD AT MGA KASABWAT NILANG VLOGGER -- Nagsanib-puwersa na ang National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP) at Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) para makilala at madakip ang mga gambling lord at mga kasabwat nilang vlogger na nagpapakalat ng online illegal gambling sa social media.
Dahil sa sanib-puwersang ‘yan ng mga law enforcement agency, malapit-lapit nang matapos ang happy days ng mga gambling lord at mga kasabwat nilang mga vlogger, abangan!
◘◘◘
RAKET NG 'PAIHI GANG' NI 'RICO' SA NATIONAL HIGHWAY SA BATANGAS CITY DELIKADO SA MGA MOTORISTA -- Isang alyas "Rico" daw ang lider ng "Paihi Gang" na nag-o-operate ng national highway sa Bgy. Balagtas, Batangas City.
Ang raket ng grupo ni "Rico" ay kukutsabahin ang mga driver ng mga oil tanker para bawasan o nakawin ang mga laman nitong mga produktong petrolyo.
Dapat dakpin ng mga awtoridad ang grupo ni "Rico" kasi delikado ang kanilang raket, na sa kaunting pagkakamali lang ay puwedeng sumabog ang oil tanker na maaaring makadisgrasya sa mga nagdaraang motorista sa nabanggit na national highway, period!





Comments