top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

AGRI Dept, dapat palitan na ng Dept. Of Importation sa non-stop na pag-import, bwisit!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 16, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | May 16, 2023


DEPARTMENT OF AGRICULTURE, PALITAN NA NG PANGALANG DEPARTMENT OF IMPORTATION—Dahil kinakapos na naman daw ang supply ng sibuyas, pinaplano na naman ng Department of Agriculture (DA) na mag-angkat ng mga sibuyas.


‘Yan ang problema kapag walang sapat na suportang natatanggap ang mga magsasaka mula sa gobyerno. Kapag kinapos ang supply ng sibuyas, maging ang bigas, asukal at bawang, ang laging statement ng DA sa pamumuno ni Pres. Bongbong Marcos Jr. (P-BBM) ay mag-import.


Kapag laging ganyan, ang dapat na yatang gawin ng pamahalaan ay palitan ang pangalan ng DA at gawin na itong Department of Importation o DI, boom!


◘◘◘


SUPORTAHAN ANG MGA MAGSASAKA AT ITIGIL NA ANG IMPORTASYON—Ang laging panawagan ng mga magsasaka ay bigyan sila ng gobyerno ng sapat na ayuda para mapalakas ang lokal na produksyon ng mga pananim na pagkain sa bansa.


Ang panawagang ito ng mga magsasaka ay dapat dinggin ng Marcos administration para matigil na ang haka-haka ng mamamayan, na kaya mahilig mag-import ang DA ay dahil may mga ‘buwaya’ na gustong kumita sa importasyon, period!


◘◘◘


PARANG SINABI NI USEC. MALAYA NA SI SARA ANG MAKAPAGPAPATIGIL NG KOMUNISMO SA ‘PINAS, AT HINDI ANG AFP AT OPAPRU—Sabi ni Usec. Jonathan Malaya, assistant director general ng National Security Council (NSC) na kaya itinalaga ni Presidential Security Adviser Eduardo Año si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio bilang co-vice chairman ng National Task Force-End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay dahil malaki ang maitutulong nito para tapusin ang laban ng pamahalaan sa mga komunista sa bansa.


Ang sinabing ito ni Malaya ay malaking insulto sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) dahil para na rin niyang sinabi na walang kakayahan ang dalawang tanggapan na wakasan ang komunismo, at tanging si VP Sara ang susi para matigil na ang kilusang komunista sa ‘Pinas, tsk!


◘◘◘


PARANG SINABI NI BERSAMIN NA ‘MORO-MORO’ LANG ANG DRUG CASE NA ISINAMPA NG DUTERTE ADMIN KAY DE LIMA—Ayon kay Executive Sec. at former Chief Justice Lucas Bersamin, dapat irespeto ang desisyon ng korte sa pag-absuwelto kay former Sen. Leila de Lima sa kinakaharap nitong drug case.


Kumbaga, para na ring sinabi ni Bersamin na ‘moro-moro’ ang kasong isinampa ng Duterte administration laban kay De Lima, kaya tama lang na maabsuwelto ito sa drug case, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page