Age doesn’t matter daw… 32-anyos na bf, ka-compatible at mapapangasawa
- BULGAR
- May 9, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero | May 9, 2023
Dear Maestro,
May BF ako at first boyfriend ko siya, ipinakilala lang siya sa akin ng best friend ko, at wala pang isang buwan ang aming relasyon. Halos 10 years ang age gap namin, 32-anyos siya, habang 23 yrs. old naman ako, pero sabi ng best friend ko, binata at may magandang trabaho siya.
Gusto kong malaman kung compatible ba kami at totoo bang binata siya? Kung sakaling mapapangasawa ko siya, magiging okey at maunlad ba ang aming pagsasama kahit mas matanda siya sa akin? October 15, 1999 ang birthday ko at August 27, 1990 naman ang birthday niya.
Umaasa,
Nelissa ng Milagrosa, Carmona, Cavite
Dear Nelissa,
Walang kaugnayan ang edad kung kapwa kayo nagmamahalan ng boyfriend mo at parehas naman kayong may stable job. Kung ganito ang inyong sitwasyon at parehong may matatag na trabaho na walang pananagutan sa buhay, kahit sabihin pang halos 10 taon ang agwat ng inyong edad, malaki ang tsansa na magtagumpay at maging maligaya ang itatayo niyong pamilya.
Samantala, kung ang nasabing lalaki ay nakasuot ng pula o asul nang unang araw na kayo ay nagkita, habang ikaw ay nakasuot ng asul, pink, lilac, o pula, tiyak na ang magaganap dahil posibleng kayo na ang magkatuluyan.
Magiging mahiwaga at mahalaga sa inyong pagsasama sa nasabing mga kulay at mga petsang 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27.
Tunay ngang magiging significant at favorable sa inyo ang nasabing mga petsa o numero na kung tawagin natin ay ang mga numerong “series of 3-6-9” dahil ang birth date mong 15 o 6 (ang 15 ay 1+5=6) at 27 o 9 (ang 27 ay 2+7=9) naman ang nasabing lalaki ay nagpapatunay lamang na sadyang compatible kayo sa isa’t isa.
Samantala, bukod sa Numerology, ang zodiac sign mong Libra ay kapitbahay ng zodiac sign niyang Virgo, kaya sa Ikatlong Batas ng Compatibility na tinatawag na “gravitation attraction or neighboring attraction”, tunay na compatible kayong dalawa.
Samakatuwid, walang problema kung sakaling kayo ang magkatuluyan dahil napakalaki ng tsansa na sa sandaling kayo ang magkatuluyan, siguradong ang magaganap ay maligayang pag-aasawa.
Ayon sa iyong Love Calendar, ang mga ito ay nakatakdang mangyari sa taong 2024 at sa edad mong 24 pataas habang 33 pataas naman ang lalaking nakatakda mong mapangasawa at makasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.




Comments