After umamin ng aktor… ANDREA, NAGSALITA NA RIN SA BREAKUP NILA NI DEREK

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 22, 2020

Magkasunod na araw na kinumpirma nina Derek Ramsay at Andrea Torres na hiwalay na nga sila, bagama't pareho nilang hindi binanggit kung ano ang dahilan ng hiwalayan.
Huwebes nang kinumpirma ito ng aktor at nitong Biyernes naman ng gabi nagpadala ng official statement ang aktres sa GMANetwork.com na wala na nga sila.
Ayon sa pahayag ni Andrea, “Yes, Derek and I are no longer together. I’d rather keep the details private as I want to give the breakup the same amount of respect that I had for the relationship. I think you all know how much it meant to me, I hope you understand. I will always wish him and his family well.”
Maraming hindi makapaniwalang wala na sina Derek at Andrea dahil akala nila ay simpleng gusot lang at maaayos din dahil nga road to marriage na sila sa sinabi nilang level-up na ang relasyon nila, pero ang ending pala ay hiwalayan.
Huling nakitang magkasama sina Derek at Andrea noong Nobyembre 5 sa special home episode vlog sa YouTube channel ni Dra. Vicki Belo kung saan tinanong pa ng huli kung ang bagong gawang bahay ng aktor ay dream house niya at sinagot naman nito ng, “I want to start my family here,” na sa madaling salita ay ready to settle down na nga siya.
Sitsit ng aming source ay Nobyembre 17 naghiwalay ang dalawa at mutual decision naman daw, ‘yun nga lang, hindi sila okay at totoong walang third party on both sides.
Mahigit isang taon ding tumagal ang relasyon nina Derek at Andrea na akala ng lahat ay ang dalaga na ang huling babae sa buhay ng aktor.





Comments