top of page

After tawaging magnanakaw at sinungaling ng atleta dahil sa pera… CARLOS, HINAHAYAAN LANG ANG GF NA BASTUSIN AT LAITIN ANG MADIR NIYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 9, 2024
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 9, 2024



Showbiz News

Samantala, more chika pa rin sa controversial issue sa pagitan ng pamilya ni Carlos Yulo at ng kanyang girlfriend na si Chloe San Jose, marami talaga ang dismayado at galit na galit hindi lang sa content creator kundi pati na rin kay Caloy mismo.


Base kasi sa mga kumalat na screenshots ng mga socmed posts ni Chloe, may mga palabang patutsada ito laban sa nanay ni Carlos na si Angelica tulad na lang ng ini-repost nitong magkatabing picture ng isang cute blue fish na may malalaking mata na may nakasulat na "Si Mama 'pag nasa church" at isang shark na may nakasulat namang


"Si Mama 'pag nasa bahay".


May mga paghahamon din ito sa nanay ni Caloy na 'wag na raw matapang sa pagpo-post sa socmed kung 'di rin kayang panindigan.


Sa isang post naman ni Chloe, may pa-shade rin ito tungkol sa akusasyong magnanakaw ang nanay ni Carlos, kung saan mababasa rin ang sagot ng gymnast sa comment section na "Sinungaling na, magna pa hahaha best award talaga ang beshywap" na sinundan din ng comment-reply ni Chloe na "Bigyan ng medal 'yan! Winner eh!"


Kaya sa comment section ng posted screenshot ng mga pa-shade at panlalait daw ni Chloe sa kanyang biyenang-hilaw, mababasang isinusuka ng mga netizens ang magdyowa at hindi sila makapaniwalang hinahayaan lang ni Carlos na bastusin at lait-laitin ng kanyang girlfriend ang nanay niyang siyang nagluwal sa kanya sa mundo.


Sa sobrang galit nga ng ilang 'Marites', may nagsabi pang 'demonya' si Chloe dahil sa masamang impluwensiyang idinudulot nito kay Carlos.


Well, siguro'y sobrang hurt na rin kasi si Chloe sa mga patutsada ng nanay ng BF kung saan 'hubadera' at 'p*kp*k' naman ang tingin sa kanya.


Pero ang nakakaloka nga kasi, imbes mag-ayos na lang sila in private, bakit sa socmed pa ang patutsadahan.

Oh, eh, di pare-pareho silang toxic, 'di ba?

Though, sabi nga namin sa nakaraang column namin, mas may simpatya pa rin kami sa mga magulang ni Carlos dahil tama o mali man sila, sila pa rin ang magulang na dahilan kung bakit may two gold medals at daang milyong pisong yaman ngayon ang isang Carlos Yulo.

Spell RESPETO at UTANG NA LOOB, devah?!



For sale na pala ngayon ang house and lot sa Imus, Cavite na binili raw ng mag-asawang Mark Andrew at Angelica Yulo nu'ng 2016 para sana sa kanilang pamilya, especially para sa gymnast na anak na si Carlos Yulo.


Ipinost ni Mrs. Yulo sa kanyang FB account ang mga photos ng iba't ibang parte ng bahay kung saan makikitang may malaking picture ru'n ni Carlos na nakatayo at nakalagay ang kanang kamay sa dibdib habang Phil. flag ang nasa background nito, gayundin ang iba't ibang pictures ni Caloy sa kanyang mga laban at trophies na napanalunan nito.


Sa comment section sa post ni Mrs. Angelica, may mga nakapuna at nagsabing ang mga pictures at trophies ni Carlos ang nagpapatunay kung gaano ka-proud sa kanya ang kanyang pamilya, kesehodang sinabi ng GF ni Caloy na si Chloe San Jose na nag-dialogue ang ina ng BF na isinumpa itong gagapang sa lupa.


May mga nabasa rin kaming comments na kaya raw ipinabebenta na ng tatay ni Caloy ang naturang bahay ay para maibalik sa atleta ang perang hinahanap nito na idinagdag daw noon para ma-fully paid na ang naturang property na kinuha ng pamilya nu'ng hindi pa kumikita nang malaki si Carlos.


Gusto raw kasi ng mag-asawa na matigil na ang pag-aakusa ni Carlos sa kanyang ina na ninakaw daw nito ang perang pinaghirapan niya, kaya 'yung mapagbebentahan ng bahay ay ibabalik nga nila kay Caloy.


Oh, 'di ba, parang pang-teleserye talaga ang kuwento ng buhay ng two-time gold medalist sa Paris Olympics na si Carlos Yulo.


'Wag na tayong magtaka kung one of these days ay mapanood na natin ang life story niya sa Magpakailanman ni Ms. Mel Tiangco sa GMA-7.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page