After nina AJ at Aljur… COCO AT JULIA, NEXT NANG INAABANGANG UMAMIN TUNGKOL SA MGA ANAK
- BULGAR

- 3h
- 2 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | November 15, 2025

Photo: IG CocoJul
Ngayong naging open na sa publiko ang pagkakaroon ng mga anak ni Aljur Abrenica kay AJ Raval at masaya itong tinanggap ni Kylie Padilla, nagtatanong ang mga netizens kung may dapat na rin daw bang aminin sina Coco Martin at Julia Montes?
Matatandaang nauna nang nag-ala-Jeric Raval si Willie Revillame noon nang madulas ito sa pagbati kina Coco at Julia sa umano’y mga anak nila.
That was years ago hanggang sa unti-unti na ngang nagkaroon ng pagpapakilala si Coco kay Julia bilang kanyang partner.
At dahil mabilis din namang tinatanggap ng publiko ang mga ganitong bagay ngayon sa showbiz, marami nga ang nagtatanong kung kailan naman magsasalita ang dalawa at kung ilang anak na raw ba meron ang mga ito?
Kapwa abala sa kanilang mga respective career at business sina Coco at Julia at tila naghihintay lang sila ng perfect timing kung kailan nga nila aaminin sa publiko ang bunga o mga bunga ng kanilang love-partnership.
Though may nakapagbulong sa amin na baka raw naghihintay lang si Direk Coco Martin na maging final ang pakikipag-negotiate umano nito para sa kanyang bagong talent management?
May ganu’n?
MAY mga fans si Rabin Angeles na nagtatanong sa amin kung bakit walang celebration ang batang aktor last November 14, ang kanyang ika-21st birthday.
Mga fans ni Rabin mula sa Eat… Bulaga! (EB!) ang nagpaalala sa amin dahil sobrang kengkoy at kyut na kyut ang mga ito sa Viva artist na sumikat sa mga series ng Viva One.
Sila rin ang grupong laging nanonood sa aming mga vlogs at readers dito sa BULGAR na laging nagbibigay ng update tungkol sa mga ganap ng aktor.
Hindi namin nasilip kung present sa EB! si Rabin kahapon pero ayon nga sa mga fans niya ay wala silang nabalitaan na nag-celebrate ito ng kanyang ‘debut’ kumbaga.
“Baka mag-organize na lang kami ng isang fan day para sa kanya. Alam naman naming busy siya ngayon sa ginagawa niyang movie na A Werewolf Boy,” sey pa ng mga fans nito.
Well, happy birthday, Rabin Angeles!
SAMANTALA, mismong si Angel Locsin ang nag-explain na may diperensiya nga ang kanang tenga ng anak-anakan niyang si Joaquin Arce, isa sa mga Pinoy Big Brother (PBB) housemates ngayon.
Mukhang seryoso nga ang ngayo’y muling paggamit ni Angel ng kanyang socmed (social media) account para sa anak ng asawa niyang si Neil Arce. Support kung support talaga ang dating sikat na aktres, mereseng may mga bashers din siya na nagtatanong kung bakit need niya itong gawin.
May ilan pang nag-comment na kering-keri naman daw ng mga nagpapatakbo ng PBB na ilahad ang totoong kondisyon ni Joaquin lalo’t may mga kaparaanan si Kuya para gawin ito.
But then again, sino ba naman tayo para kuwestiyunin ang intensiyon at pagpapel ni Angel bilang ‘nanay’ ng bagets na housemate?
Pahabol pa ng mga nakasubaybay pa rin kay Angel, “Lumalabas lang si Angel para gamitin ang social media ‘pag may mga lindol, baha at bagyo, mga rallies laban sa gobyerno, ‘pag may mga bashers at para kay Joaquin.”
Marami tuloy ang nagtatanong kung ngayon daw bang inilalaglag na ni dating Ako Bicol Congressman Zaldy Co sina Pangulong Bongbong Marcos at Cong. Martin Romualdez ay maging active kaya uli si Angel Locsin?
Let’s see…








Comments