After ng yakapan sa parking lot… BARBIE AT JAMES, HOLDING HANDS PAALIS NG GMA GALA NIGHT
- BULGAR

- Aug 4
- 3 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | August 4, 2025
Photo: Jameson Blake at Barbie Forteza - GMA Gala
Running ang sinasabing dahilan ni Barbie Forteza kung bakit mas naging close sila ni Jameson Blake.
Simula kasi nang nagsasali si Jameson sa mga fun run kung saan nandoon si Barbie, hindi na nga naputol ang pagkakaibigan ng dalawa.
Ayon sa mga lumabas na tsika, naengganyo nga ni Barbie ang guwapong aktor na makasama sa mga fun run for a cause nila at hayun nga, tila nagtuluy-tuloy na sa maganda at special na friendship.
Marami ang nagsasabing nag-level-up na ito lalo’t noong premiere night ng horror movie ni Barbie ay tila masaya pa nitong tinakbo si Jameson sa parking kung saan nag-viral nga ang tila yakapang batian nila.
Then last Saturday sa GMA GALA Night ay makikita rin silang magkahawak uli ng kamay habang papalabas sa venue papuntang after party.
May mga kinikilig ba?
KAYA pala parang hindi na lang nag-react ang mga BarDa (Barbie Forteza at David Licauco) fans sa napabalitang TV project na pagsasamahan nina David Licauco at Jillian Ward.
“Mukha naman kasing hindi talaga sila click o maagang nawalan ng brilyo ang tandem nila,” pag-aanalisa ng netizen sa tila nawalan ng kulay na tandem nina Barbie at David.
Ang akala nga ng marami ay mauuwi na sa magandang relasyon ang BarDa after na maghiwalay sina Jak Roberto at Barbie at single naman si David, pero tila nag-iba ang ihip ng hangin.
Kahit nga raw ‘yung product endorsement na ginawa ng BarDa ay hindi rin nag-click kaya’t nagdesisyon marahil ang mga handlers nila na huwag nang i-push ang kanilang tandem for lack of huge support kagaya noong nagkasama sila sa TV series na makaluma ang tema.
GAYA ng ating mahal na Star for All Seasons at isa sa mga best friends ni tugang Roderick Paulate sa showbiz na si dear Gov. Vilma Santos-Recto, super excited din tayo sa nalalapit na showing ng MUDRASTA.
Isa nga si Ate Vi sa mga naaliw sa trailer at nang-eengganyo ngayon na panoorin ang upcoming movie ng kaibigan.
Grabe nga ang early buzz ng movie kung saan muling magbibida ang magaling na aktor.
Nakilala natin si Kuyang Dick sa mga pamosong ‘bading roles’ na siya lang ang may karapatang gumawa at may tatak na disente at matinong humor.
Sey pa ni Ate Vi, “Good luck, Dick!!! Told you. Magaling ka talaga sa lahat ng bagay!
Napakagaling na AKTOR… HANGGANG NGAYON!! Proud of you, my friend! Mga kababayan… nood tayo ng MUDRASTA!!!"
Showing na sa mga sinehan ang MUDRASTA ngayong Agosto 20.
Sa direksiyon ni Julius Ruslin Alfonso, ang award-winning director ng Deadma Walking (DW), makakasama ng legendary comedian na si tugang Roderick sina Elmo Magalona, Awra Briguela, Arkin Magalona, at mga batikang aktor na sina Tonton Gutierrez, Carmi Martin, Ruby Ruiz, Odette Khan, at Ms. Celia Rodriguez.
‘Kaaliw!
MARAMI naman sa mga fans ng SB19 members na sina Pablo at Stell ang nagtatanong kung bakit sa bagong season ng The Voice Kids Philippines ay hindi na sila kasama sa mga uupong coaches?
Habang isinusulat namin ito ay walang klarong paliwanag na ibinigay sa amin ang aming source mula sa naturang show.
Sa pagbubukas nga uli ng nasabing reality show para sa mga bagets singer ay uupong mga coaches si Zak Tabudlo at ang Ben&Ben, kasama pa rin sina Julie Anne San Jose at Billy Crawford, with Dingdong Dantes as host.
Although ipinagpapalagay ng SB19 supporters ang pagiging sobrang busy ng grupo kaya't hindi na puwedeng umupong coaches sina Stell at Pablo, may isyu pa rin kasing sobrang nasasapawan ng dalawa, lalo na ni Stell, ang ibang coaches, to the point na wala nang gustong pumili sa mga ito bilang mentor. Hahaha!
‘Yun ang ‘kaloka!










Comments