After ng matagal na pagsasama… JOSE AT WALLY, KANI-KANYA NA
- BULGAR
- Apr 21, 2023
- 1 min read
Updated: Apr 22, 2023
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga! | April 21, 2023

Tanging si Jose Manalo lang ang makakasama ni Bossing Vic Sotto sa bagong sitcom na papalit sa Daddy's Gurl na produced ng M-Zet Productions.
Si Maja Salvador ang magiging leading lady ni Vic sa sitcom na Open 24/7.
Maghihiwalay na rin ang tandem nina Jose Manalo at Wally Bayola na matagal nang nagkasama sa maraming projects sa telebisyon at pelikula.
Well, for a change, kailangan ding gumawa ng mga proyekto nina Jose at Wally na magkahiwalay. At least sa Eat... Bulaga! ay magkasama pa rin sila, pati na rin sa mga out-of-town shows.
Ang mahalaga naman ay may career pa rin sila at suportado sila ng publiko kahit saang show sila mapunta.
Sa tagal nilang magkasama at magkaibigan ay napatunayan na nina Jose at Wally na hindi matitinag at magbabago ang lalim ng kanilang pagkakaibigan.





Comments