After ng bakasyon sa Thailand… KASALANG KIM AT XIAN, INAABANGAN NA
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 12, 2022

Natawa kami sa IG post ni Xian Lim na larawan niya habang nasa airport at may kasamang mga naglalakihang maleta.
Caption niya, “Eto na naman tayo sa mga maleta @chinitaprincess Ilang months ba tayo dito?”
Obviously, kay Kim Chiu ang apat na naglalakihang maleta na nasa larawan.
Magkasama ngang umalis ang KimXi for a vacation marahil ngayong Holy Week.
Thailand ang kanilang destination dahil sa mga sumunod na posts nila ay nasa Phuket na sila.
Na-happy at kinilig na naman ang mga KimXi fans dahil magkasama na naman abroad ang kanilang idolo.
As usual, may mga komento sila na sana raw, may maganap nang proposal na lagi nilang wini-wish sa tuwing may travel ang dalawa.
“Whooaah! Eto na naman, hinihintay ang KimXi vacation. Vlog soon. Enjoy KimXi. Sana, mag-propose ka na kay Kim. Ang dami nang naghihintay, Xi,” komento ng isang fan, at marami pang ganitong similar comments ang mababasa mo sa comment section.





Comments