top of page
WINNER - SUGAR, KINUMPIRMANG HINANAP NI MOND SI HEART SA PARTY, MGA GUESTS NAGTAWANAN DAHI

After magsama sa b-day ng senador… ‘SINGLE & FABULOUS’ POST NI HEART, KUMPIRMASYON DAW NA HIWALAY NA SILA NI CHIZ

Writer: BULGAR
BULGAR
19 hours ago
4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 3, 2026



SHOWBIZ SPECIAL - ‘SINGLE & FABULOUS’ POST NI HEART, KUMPIRMASYON DAW NA HIWALAY NA SILA NI CHIZ_IG _iamhearte

Photo: IG _iamhearte



Hindi lang scene stealer si Heart Evangelista dahil sa pinag-usapang Halloween costume niya recently kung saan may anim na fake na kutsilyong nakatarak sa kanyang likod, dahil pati sa social media, agaw-pansin din ang latest cryptic post ng fashion icon.


Nag-post si Heart sa kanyang Instagram at Facebook account ng photo ng isang ashtray na may picture ng babaeng naninigarilyo sa gitna at sa gilid ay nakasulat ang “SINGLE & FABULOUS?”


Inulan agad ng maraming komento ang naturang post ni Heart, na karamihan ay shocked at nag-speculate na ito na ang way ni Heart para i-confirm ang matagal nang napapabalitang hiwalay na sila ng mister na si Sen. Chiz Escudero.


Although, kung matatandaan, last October lang sa 57th birthday celebration ni Sen. Chiz ay nakitang magkasamang nag-celebrate ang mag-asawa, kaya nga napasinungalingan ang rumor na hiwalay na sila.


Pero dahil sa bagong post ni Heart, napaisip at nakabuo na naman ng conclusion ang maraming IG followers niya.

Ilan sa mga reactions nila…


“If it’s true, then You deserve better or should i say the best!!! Be free!”

“If this is true then, she's really the epitome of ‘I can do it with a broken heart!’”

“Omg! Finally! Haha”

“Single? (clap emoji)”


May netizen din na nag-ship kina Heart at Alden Richards dahil sa post ng aktres.

“Kayo na lang ni @aldenrichards02 pede ba? Charrrrrrr. Wish ko lang sa Pasko magka-project kayo, please?”


Pansin naman ng isang netizen, “Omg. Ni-remove n’ya na pala sa bio ‘yung “wife”. Matagal na ba ‘to? OMG TALAGA,” na sinagot ng isa pang netizen ng “Super tagal na!!!”

Oh, well, well, well…  





Sa edad na 55…  

ATE GAY, GUMALING ANG CANCER, NAMATAY SA PNEUMONIA



IKINALUNGKOT ng maraming kaibigan sa showbiz at mga fans ang pagpanaw ni Ate Gay (Gil Aducal Morales in real life) nu’ng Nov. 1, 2026 sa edad na 55.

September, 2025 nang unang ma-diagnose ang stand-up comedian na may Stage 4 cancer (mucoepidermoid carcinoma). 


Nawalan man ng pag-asa nu’ng una, nabuhayan ng loob si Ate Gay nang may nag-sponsor sa kanya para sumailalim sa chemotherapy at radiation.


Sa loob ng halos isang taong gamutan, nawala naman ang bukol sa leeg ni Ate Gay kaya naging positibo siyang gagaling.


Pero ilang araw lang matapos ang selebrasyon ng tinawag niyang “Living Funeral” nitong October na dinaluhan ng kanyang mga kapamilya at kaibigan, isinugod na si Ate Gay sa Asian Hospital and Medical Center nu’ng October 17 dahil nahihirapang huminga.


Sa inilabas na official statement ng kanyang pamilya, ayon daw sa mga doktor ni Ate Gay, nagkaroon siya ng septic shock at acute respiratory failure secondary to pneumonia.


Dahil sa kritikal niyang kondisyon, inilagay siya sa Intensive Care Unit (ICU) pero nu’ng October 29 ay mas lumala raw ang lagay niya matapos magkaroon ng pinsala sa kanang bahagi ng kanyang utak dahil sa stroke.


At nito ngang Nov. 1, malungkot na inianunsiyo ng kanyang pamilya na pumanaw na ang stand-up comedian na nakilala bilang isa sa mga impersonators ng the late Superstar na si Ms. Nora Aunor.


Sa lahat ng kapamilya at kaibigang nagmamahal kay Ate Gay, kami po rito sa BULGAR ay taos-pusong nakikiramay.


Maraming salamat, Ate Gay, sa lahat ng napasaya mo at naging kontribusyon sa entertainment industry. May you rest in eternal peace.





HINDI ikinahihiya kundi proud na proud pa nga ang CEO ng Connie’s Skin Essential na si Ms. Connie Garolacan na bago siya nakapagtayo ng sarili niyang negosyo, siya ay isang housekeeper sa Hong Kong.


At dahil sa sipag at tiyaga ay nalipat at nakarating si Ms. Connie sa USA kung saan nagsimula rin siyang housekeeper hanggang na-promote sa pagiging state manager, kung saan ipinagmalaki niya sa launching ng kanyang Connie’s Skin Essential na siya ang pinagkakatiwalaan ngayon ng mga malalaking tao sa Amerika.


Hindi niya mapangalanan ang mga taong kumukuha sa kanya roon bilang state manager dahil mga bilyonaryo raw ang mga ito, pero proud na proud siyang marating ang kinalalagyan ngayon.


Pero sa kabila ng narating niya, naisip pa rin daw niyang magtayo ng skin care business dahil gusto niyang makatulong sa mga kababayan nating gusto ring kumita at umangat sa buhay. Kaya nang simulan niya ang Connie’s Skin Essential ay nagbukas siya sa mga gustong maging resellers.


December, 2025 lang daw nagsimula si Ms. Connie sa kanyang negosyo kaya sa ngayon, wala pa siyang brand ambassador. Pero dahil sa pagba-vlog daw niya sa kanyang negosyo ay marami na ring nakakakilala ngayon sa kanyang skin care brand.


Wala pang nakukuhang brand ambassador si Ms. Connie pero if given a chance at kung kakayanin niya, bet niya si Miss Universe Pia Wurtzbach dahil gandang-ganda raw siya sa beauty queen.


Gusto niyang ipa-try kay Pia ang bestseller niyang lotion, soap, sunscreen, BB cream, serum at rejuvenating set lalo’t mahilig mag-beach ang Miss Universe kaya laging exposed sa araw ang balat.


Well, nakaka-inspire ang rags to riches story ni Ms. Connie na napakakulay din ng buhay. Kaya kung gagawin ang life story niya sa Magpakailanman, maraming OFWs ang tiyak na mai-inspire.





SEVENTY-THREE na ngayong November 3 ang nag-iisang Star for All Seasons na si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto, pero kung makahataw ng sayaw, parang 23 lang!


Ang secret ni Ate Vi ay ang kanyang pagiging ultimately happy, content, positive vibes at siyempre, ang pagmamahal ng mga kapamilya, kaibigan at Vilmanians na laging nagbibigay sa kanya ng unlimited energy.


Just recently, itinanghal si Ate Vi bilang Hall of Famer sa 42nd PMPC Star Awards for Movies, at sabi nga ni Ate Vi, sa kabila ng naturang award, patuloy pa rin siyang gagawa ng movies. 


Well, happy, happy birthday sa aming idol, ang nag-iisang Star for All Seasons! Stay healthy and lovely, Ate Vi!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page