After magsama ng 6 yrs… DONNY, TANGGAP NA KANI-KANYA NA SILA NI BELLE
- BULGAR

- 3 hours ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | November 9, 2025

Photo: IG / Donny at Belle
Ibinahagi ni Donny Pangilinan na talagang matinding paghahanda ang ginawa niya para sa kanyang action scenes sa pinakabagong action-drama series nila ni Kyle Echarri na Roja.
First time raw niyang sumabak sa maaaksiyong eksena kaya sinigurado niyang well-prepared siya at nag-training muna nang husto ng martial arts, arnis, at jujitsu.
“Aside from martial arts and jujitsu na training saka arnis, o ‘yung holding up a gun and how to fight, one of the most challenging things for me was really the endurance and being sure that I was ready to go through those scenes over and over again,” sey ni Donny sa red-carpet premiere night and mediacon ng Roja na ginanap last Friday.
“Kasi ilang takes ‘yan, ilang anggulo, eh, first time kong gawin din ‘to. I think Kyle has some action scenes already na na-shoot n’ya before, pero ako kasi, first time ko talaga na gumawa ng serye na ‘yun talaga ‘yung focus. So, I really had to make sure na my body was prepared, and it really took a lot,” dagdag niya.
Hindi raw biro ang mga malalaking action scenes nila kaya aniya, “You really have to make sure that you’re not running out of breath, and you’re ready for the next scene.”
Not only that, nag-mentor pa raw sa kanila sina Coco Martin at Jake Cuenca kaya naman talagang pinaghirapan nila nang husto ang mga action scenes nila.
Aminado naman si Donny na nakakapanibago para sa kanya na hindi niya kasama a ng ka-love team niyang si Belle Mariano.
“For the past 5 or 6 years, magkasama kami, and I think, this is something that we both talked about talaga. And she’s also able to do her own projects,” aniya.
“It’s my first time also to do a project s’yempre na ‘yung co-lead ko is someone na kaibigan ko rin na lalaki. It’s very different, the dynamics. So, that in itself, s’yempre, may pressure.
“But entering, I knew that it would also entail a lot of growth and maturity. And when you leave that comfort zone, parang du’n mo rin nararamdaman ‘yung mga emotions na hindi mo nararamdaman dati, ‘yung mga eksenang hindi mo nagagawa dati,” pahayag ni Donny.
“And yeah, me and Belle are very supportive towards each other and I think it’s a very great position to be in,” dagdag pa niya.
Unang mapapanood ang Roja sa Netflix simula Nobyembre 21 (Biyernes) at sa iWant simula Nobyembre 22 (Sabado), at magiging available rin ito sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5 sa Nobyembre 24 (Lunes), 8:45 PM.
Kabilang din sa cast ng Roja sina Sandy Andolong, Robert Seña, Nikki Valdez, Cris Villanueva, Zia Grace, Bernard Palanca, Marc Abaya, Gello Marquez, Harvey Bautista, Lou Yanong, Kobie Brown, Benedict Cua, Iñigo Jose, Maika Rivera, AC Bonifacio, Emilio Daez, Xilhouete, Kai Montinola, Rubi Rubi, Sophie Reyes, Rikki Mae Davao, Inka Magnaye, Vangie Castillo, Levi Ignacio, Floyd Tena, Rans Rifol, Igi Boy Flores, at Raven Molina.
Mula ito sa direksiyon nina Lawrence Fajardo, Rico Navarro, Andoy Ranay, at Raymund Ocampo.
INAMIN ni Mark Bautista na niligawan niya si Popstar Royalty Sarah Geronimo noong pareho pa lang silang nagsisimula sa mundo ng showbiz.
“Nag-attempt. But I failed,” sabi ng singer sa panayam sa kanya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) last Thursday.
Pag-alala naman ni Boy Abunda, kung hindi siya nagkakamali, bandang 2007 o 2008 nangyari ang ligawan.
Matatandaang sabay na sumali noong 2003 sina Mark at Sarah sa reality singing search na Star for A Night (SFAN) hosted by Regine Velasquez at isa sa mga naging judges sa programa ay si Kuya Boy.
Magugunita ring si Sarah ang nagwagi sa nasabing singing competition at runner-up naman si Mark.
Sa nasabing panayam, sinagot din ni Mark ang tanong ni Kuya Boy kung may nagpapatibok ba ng kanyang puso ngayon.
“Kung espesyal, meron. And my heart is in the right place,” aniya.
Natanong din siya kung may nililigawan siyang artista at nilinaw niyang ‘idine-date’ na niya ito ngayon.
Ayon kay Mark, dumating na rin daw ang taong komportable siya na makasama.
“I think dumating. And I think na-feel ko na parang, ‘Ay, shucks. Ito ‘yung taong komportable ako na… I can be myself,’” pag-amin niya.
Matagal din daw bago siya nagkaroon ng bagong pag-ibig at dumating na rin sa puntong na-frustrate na siya sa paghihintay.
“Kasi matagal din, Tito Boy. Matagal akong parang napu-frustrate dahil parang feeling ko, ‘Ako ba ‘yung may problema?’ Parang ganu’n. Masyado ba akong choosy? Or masyado ba akong hindi na marunong magmahal ba?” aniya.








Comments