After kumpirmahin ni Boy ang hiwalayan ng aktor kay Bea... SIGAW NG UTOL NI DOMINIC: WOLF IN SHEEP'S CLOTHING
- BULGAR

- Feb 7, 2024
- 1 min read
ni Rensel Sabando - Trainee @Entertainment | February 7, 2024

Nag-post ng isang drawing ang kapatid ni Dominic Roque na si Lhean Roque sa kanyang Instagram sa gitna ng kumakalat na issue ng hiwalayan about kina Bea at Dominic.
Tuesday nang makumpirma sa show ni Boy Abunda ang tuluyang paghihiwalay ng dalawa, kasunod naman ang post ni Lhean na walang kahit anong caption sa Instagram Story.
Maraming sinasabi ang netizen patungkol sa post na ito like “Dominic still wooing Bea.”
Pero based on Bible, ang ibig sabihin nito ay “Beware of false prophets who come to you in sheep’s clothing, but inwardly are ravenous wolves.”
Ngunit, sa kabila ng mga kumakalat pa na issue patungkol sa dalawa, wala pa ring malinaw na impormasyon kung ano talaga ang dahilan ng hiwalayan.
Sabi nga ni Boy Abunda, “Hindi natin masasagot ang lahat ng katanungan, ito’y dapat na manggaling sa dalawa.”





Comments