top of page
Search
  • BULGAR

After kay Derek... Andrea, nakikipag-date na uli

ni Rensel Sabando - Trainee @Entertainment | February 14, 2024




Masaya ang puso ng Kapuso actress na si Andrea Torres sa isang interview with Nelson Canlas patungkol sa kanyang love life at mga possibility of being in a relationship.


Inamin ni Andrea na nakikipag-date na siyang muli na inirereto ng kanyang mga kaibigan.


Sa "Updated with Nelson Canlas," sinabi ng aktres na matagal-tagal na rin siyang bumalik sa dating pero hindi madalas.


Isa ang mga kaibigan sa mga nagpapakilala sa kanya ng magiging ka-date. Pero, nanatili lang daw na kaibigan ang mga nakaka-date ng aktres.


Sa ngayon, nag-e-enjoy ang Kapuso actress sa pagiging single at hindi nag-e-entertain ng iba.


Dagdag pa niya, ayaw niya ng Long Distance Relationship (LDR) kasi hindi raw ito para sa kanya.


Ayon pa sa aktres, "Lumalawak ang mundo ko, and ngayon din na nagta-travel ako, nakakatuwa kasi siyempre, parang nakaka-meet ka ng iba-ibang klaseng tao, tapos nalalaman mo 'yung buhay nila.”


Dagdag pa ni Andrea, “Ine-enjoy ko lang talaga. Ganu'n pa rin naman, single, pero happy and nag-e-enjoy, nag-e-explore ng buhay."


Paliwanag ng aktres, “May makikita kang tao na ipu-push ka rin sa pangarap mo, 'yung hindi ka ii-stop sa mga gusto mong marating pa sa buhay."


Huli namang naging karelasyon ni Andrea si Derek Ramsay pero naghiwalay sila noong 2020. Samantala, ang ex-boyfriend niya ay ikinasal kay Ellen Adarna nu’ng 2021.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page