After ilantad ang naanakan, Maggie… VICTOR, MAY BAGONG BABAE NA NAMAN
ni Maricon Nolasco @MarisPluk | July 17, 2023

Ibinahagi ni Maggie Wilson ang isang screenshot ng mensaheng kanyang natanggap mula sa isang anonymous sender.
Ipinaalam kasi nito na nakita raw niya na may kasamang ibang babae ang kanyang estranged husband at kilalang real estate developer na si Victor Consunji at tinanong naman ni Maggie kung kailan daw niya nakita ang dalawa.
Kamakailan lang daw nakita ng naturang netizen si Victor kasama ang babae na itinago na lamang sa pangalang "Sam" na tila kilala nga ni Maggie, kaya't binura na lang niya ang apelyido ng babae sa kanyang post.
Para naman kay Maggie, interesting daw ang naturang sitwasyon dahil matatandaan nga na noong April 2023 lang ay inilantad na ni Victor ang kanyang bagong baby girl sa partner na si Rachel Carrasco.
Kaya't ang inilagay na lang na caption ni Maggie sa naturang message sa kanya ng anonymous sender ay: “LOL! Same rotation. Just never talked about it now. He's your problem now.” Tila expected at ‘di na siya nagulat pa na may bagong babae na naman si Victor.
Para naman sa ilang netizens ay tila nagbibigay ng warning si Maggie sa mga kababaihan na maaaring maging "future victims" ng kanyang estranged husband.
Pero, dahil nga sikat, maimpluwensiya at mayaman si Victor, may mga babae pa rin na game
pumatol sa kanya kahit na kasal pa rin sila ni Maggie at may anak na uli ito sa bagong partner.
Agree naman ang ilan pa sa ginagawang pagpo-post ni Maggie sa kanyang social media tungkol sa mga ginagawang kalokohan ng estranged husband niya na si Victor.
Hirit naman ng ibang netizens, kung totoo nga na wala na siyang pakialam pa sa kanyang estranged husband ay dapat hindi na niya ipino-post pa ang mga ganap nito sa social media.
Well, kung tutuusin ang mga Marites naman talaga ang talagang nag-e-enjoy sa mga ganitong isyu at usapin sa pagitan ng mga kilalang personalidad.
Ang pag-uudyok pa nga ng commenter kay Maggie, "Go, Maggie. Mas masaya to rub salt on the wounds. Publicly para alive tayong mga Marites. Screw class, since you've already aired your dirty laundry in public."





Comments